Chapter 8: NLex & KathNiel

249 12 0
                                    

Daniel's POV:

The next morning, sobrang aga kong nagising. Haay. Excited na kong yayain si Kath dito sa bahay, sana pumayag siya. Lumabas na ko ng room ko at bumaba to have breakfast.

Pagbaba ko nakita ko si mommy na nagluluto ng breakfast namin. "Morning, mom." Sabi ko. Nagulat siya, lumingon siya sakin.

"Good morning DJ, ang aga mo ata?" Napangiti ako.

"Maaga lang talaga ako nagising." Sabi ko nang nakangiti, pumunta ako kay mommy. "What's for breakfast?" Tanong ko.

"The usual. Sunny side up and bacon." Kahit bacon at egg lang yun, natatakam pa rin ako, kasi naman, di ako nakakain ng maayos kagabi. There was too much tension.

"Si Alexa po?" Tanong ko.

"Umakyat sandali, nakalimutan niya daw yung phone niya." Tumango ako.

"Si ate po?"

"She left early, magkasabay sila ng daddy mo. Tuturuan na siyang mag-handle ng business natin." Sabi niya. "Oh and, nabanggit niya rin sakin na may isasama ka daw na friend mo?"

"Opo. Pero hindi ko pa po siya natatanong." Sabi ko.

"Sana makasama siya para ganahan ako magluto."

"Kuya? Gising ka na?" Tanong ni Alexa habang bumababa. "Ang aga mo ngayon ah!" Sabi niya.

"Oh, kids. Eat your breakfast na." Sabi ni mommy. Umupo na kami ni Alexa.

|||||||||||||||||||||||||||||||||

Pagkatapos naming kumain dumiretso na kami sa van. Walang masyadong traffic kaya nakapunta agad kami sa school.

Dumiretso agad ako sa first class ko. Then yun, nakita ko siya. Nagbabasa ng notes. Dumiretso ako sakanya.

"Hey." Bati ko.

"Hi." Tapos bumalik na siya sa pagbabasa.

"May quiz or recitation ba tayo ngayon?" Tanong ko.

"Wala naman, bakit?" Sabi niya.

"Eh, bakit ka nag-aaral"? Tanong ko ulit.

"Nasanay na kong mag-aral tuwing umaga." Nga pala, genius to.

"Uhmm, nga pala. Pwede ka bang ma-invite sa house ko? Mamaya for dinner time." Tanong ko, napatigil siya and I saw her confused face.

"Why?" Tanong niya.

"To have dinner, of course." Sabi ko sarcastically. She rolled her eyes.

"I mean, bakit? I mean, we barely even know each other. Tapos isasama mo agad ako sa bahay niyo?" Tanong niya.

"Ano namang masama dun?" Confused pa rin yung itsura niya, "Pretty please." Sabi ko sabay pout. Tumawa siya, tumawa din ako.

"Oo na." Tapos pininch niya yung cheeks ko. "You're so cute." Sabi niya. I grinned. Nagulat siya sa sinabi niya. I wiggled my eyebrows at her.

"Cute ako?" Tanong ko ng pang-asar.

"Oo, cute ka." Napangiti ulit ako. "Mukha kang aso." Napatigil ako dun, tapos bigla siyang tumawa. Napakunot yung noo ko tapos nagkunwaring galit ako sakanya, tumingin lang ako sa harap. At mukhang napansin niya naman yun.

"Uy, sorry na. Ang tampuhin naman nito." Sabi niya, hindi ko pa rin siya pinansin. Pero inside my head I'm already laughing. "Uy, cute ka naman talaga eh." Sabi niya.

I smirked. "Talaga?" Sabi ko sakanya.

"Ewan ko sayo." Sabi niya. Tapos tumawa kami.

Dumating na yung professor namin at nakinig na kami sakanya.

[][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][]

Alexa's POV:

Pagpasok ko sa classroom nakita ko si Nash na nakikipag-usap sa classmate namin na babae. Tsk tsk tsk. Dumiretso ako dun. Nakaupo pa talaga yung girl sa chair ko, asarin ko kaya.

"Excuse me, can I sit on my chair?" Tanong ko sa girl. Napatingin sakin yung girl at si Nash. Nash smirked, alam niya siguro yung pinaplano ko.

"And you are?" Tanong niya.

"Alexa, Alexa Montemayor." Sabi ko. "Nash's best friend." Tumingin siya kay Nash, tumayo si Nash.

"Yep, she is." Sabi niya sabay akbay at gulo sa buhok ko. I gave him a glare.

"Ok, whatever." Sabi nung babae.

Umupo na kami sa chairs namin.

"Ano naman yun?" Tanong ni Nash.

"Wala naman, I just think it would be fun to play with your girls." Sabi ko. Then I chuckled.

"Selos ka naman?" I was taken aback by his question.

"Asa ka!" Tumawa kami.

Kuya DJ calling...

Huh? Bakit tumatawag si kuya? Sinagot ko.

"Hello kuya?" Sagot ko.

"Alexa. Umuwi ka ng maaga may family dinner tayo mamaya at kasama ko ang ate Kath mo. May dadating din na mga bisita." Sabi ni kuya.

"Ha? Okay." Sayang naman nakaplano na yung lakad namin ni Nash eh. Pero okay lang. I turned to look at Nash. "Nash!" Nagulat siya. Tumawa ako.

"Why do you need to shout?" Tanong niya.

"Sorry. I just want to know if you have plans for later?"

"Meron eh. Isasama ako ng kuya ko sa future wife niya." Sabi niya.

"Oh." Pagkatapos nagpaalam na ko kay kuya sa phone. "Ikakasal na kuya mo?" Tanong ko.

"Yep. Pero fixed marriage lang." Ahh.

"Sino daw yung girl?" Tanong ko.

"Si--" he was cut off dahil dumating yung first subject teacher namin.

***
Who's excited? Magkikita-kita na silang anim! I just can't! Dun sa mga nag-aantay ng JulÑigo and LizQuen, hintay lang! Magmimeet na sila, SOON! :*

linkedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon