Nash's POV:
Pagkatapos ng nangyari, nag-ayos na rin kami dahil masyado nang gabi. Baka pagalitan kami ni mommy.
"Ylona!" Tawag ko kay Ylona na nakikipag-usap kay Alexa. Lumingon siya at dumiretso sakin.
"Bakit?" Tanong niya.
"Saan ka ba nakatira? Para mahatid ka na namin. " Sagot ko.
"Actually, nakatira ako sa isang dorm malapit sa school. Nasa province kasi sina mommy, pagkauwi namin galing Australia naisipan ni mommy na dito na lang ako mag-aral sa Manila becuase it's better here. Nandoon din sila to take care of my lola," she explained. I nodded in realization.
"Why don't you just stay with us? Masyadong delikado kapag nandoon ka, wala kang kasama. What do you think? Ako na makikipag-usap kay tita," I offered.
"Uhmm, okay. Siguro okay na rin 'yun," sabi niya.
"Okay, just tell me kung kailan ka pwedeng lumipat para masabihan ko na sina mommy, ihahatid ka na namin mamaya, may pasok pa tayo bukas," sabi ko at nag-ayos na. Pumunta ako kay Alexa.
"O, Nash. Bakit? May problema ba?" Tanong niya. I shook my head and smiled.
"Wala naman. Kami na maghahatid kay Bailey," sabi ko.
"Okay, sige. Ingat kayo," sabi niya at nagpatuloy maglinis.
"Wala manlang goodnight kiss?" Sabi ko.
"Ah, gusto mo ng goodnight kiss?" I nodded. "Gusto mo talaga?" I nodded again. Pumikit ako then I leaned forward. "Kiss mo 'yang mukha mo!" Sabi niya sabay hampas ng unan sakin. Dumilat ako at nakita ko siyang tumatakbo, hinabol ko siya.
"Patay ka sa'kin!" Sigaw ko while chasing her. Tumingin siya sa'kin at tumawa.
"You will never catch me!" Sigaw niya. Hinabol ko siya.
Bailey's POV:
Naghahabulan 'yung dalawa, I just chuckled and shook my head. Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Ylona, wala siyang kausap. Lapitan ko kaya? Lumapit ako.
"Hey," bati ko.
"Hi," tipid niyang sagot.
"Is there a problem?" Tanong ko. She shook her head. "C'mon you can tell me,"
"It's nothing, really. I just really miss my family," sabi niya then looked at me. "Ikaw ba? Hindi mo ba nami-miss ate mo?"
"Of course, I miss her. Everyday," sabi ko.
"Oh. It's just that you're so happy,"
"Kasalanan bang maging masaya?" I joked. She laughed.
"Parang.. okay lang sa'yo na wala siya," sabi niya then looked at me, waiting for an answer. I thought about her question.
"Well, hindi naman ako palaging masaya, siyempre, I think about her too because, she's my sister. Kahit palagi kaming nag-aaway, we still care for each other. I just don't let my sadness ruin my day, at hindi naman magiging masaya si ate kapag nakita niya 'kong malungkot diba?" I said while smiling at her. "Why'd you ask?" I asked her.
"Nothing," sabi niya avoiding the topic.
"C'mon, you can tell me. I just told you what's happening inside my mind these past few days, tapos ikaw..." I paused.
"I just miss my family," sabi niya sabay tingin sa baba. I lift her face by her chin, I looked straight into her eyes. I saw sadness, I felt something na nararamdaman ko kapag namimiss ko si ate.