Chapter 11: Next Day

249 9 0
                                    

Daniel's POV:
Pagkatapos naming mag-usap ni Kath, tinawag na sila ni tito Ian. It was a great night.

Pagkagising ko kanina, wala namang special na nangyari. Nag-text lang si Kath, yep, may number na kami ng isa't isa.

Kath:
Good morning DJ! Gising na! Baka ma-late ka pa!

Me:
Opo. Ito na po, bumabangon na! Good morning Ms. Beautiful!

Kath:
Whatever. Tigilan mo ko DJ, sige bye na.

Me:
Bye, ingat!

Kath:
Ang cheesy mo! 😂

Me:
Cheesy talaga ang taong nagmamahal!

Kath:
Kadiri ka DJ! Ayos nga! On the way na ko, bilisan mo!

Me:
Ito na po!

Alam naman niya na joke lang yun. Bestfried ko naman siya.

Bestfriend nga lang ba?

Alexa's POV:
Nandito na kami sa loob ng van. Naka-smile pa rin siya hanggang ngayon.

"Kuya, problema mo? Kanina ka pa nakangiti diyan." Sabi ko sakanya. Tumingin siya sakin at ngumiti lang ulit. "Si ate Kath yan noh?" Tanong ko. Ngumiti ulit siya. "Yieee si kuya!" Asar ko.

"Tigilan mo nga ko Alexa." Sabi niya nang nakangiti pa rin. Pero bigla siyang sumimangot.

"Bakit kuya?" Tanong ko.

"Hoy Alexa. Wag ka munang mag-boyfriend ha!" Sabi niya.

"Hala? Saan nanggaling yun?" Tanong ko.

"Wag mong isiping nakalimutan ko yung nangyari kagabi ha! Kapag ikaw talaga." Sabi niya.

"Kuya. Sabi ko naman sa'yo diba, hindi muna ako magbo-boyfriend. 3Bs." He gave me a confused look.

"3Bs?" Tanong niya.

"3Bs, as in, Books Before Boys." Sabi ko. He nodded in realization tapos ginulo niya yung buhok ko.

"Kuya naman eh!" He chuckled.

We already arrived. Bumaba na kami ni kuya. Nag-bye kami sa isa't isa at pumunta sa magkabilang building. Dalawang building kasi ang meron dito sa NUP, isa para sa college at isa para sa high school at grade school.

Kathryn's POV:
Pagdating ko sa school, ako ang una siyempreng pumasok. Yep, tawagin niyo na akong nerd.

Maya-maya dumating na yung iba kong classmates. Nag-save ako ng upuan sa tabi ko para kay DJ. Bakit wala pa kaya yun?

"Hi." May tumawag sakin sa likod ko. Pagkalingon ko isang babae na hindi masyadong familiar yung face. Sino naman to?

"Uhmm. Hello?" Sabi ko. Umupo siya sa isang side ko.

"I'm Liza." Sabi niya.

"I'm Kathryn. But you can call me Kath." Sabi ko then shook her hand.

"Old student ka ba?" Tanong niya.

"Uhh, yeah." Sagot ko.

"Talaga? Uhmm, I was wondering if you could tour me around? Bago kasi ako eh." Sabi niya then smiled.

"Sure. No problem." I smiled back.

"Kath!" May sumigaw sa likod. Bakit ba palaging sumisigaw tong mokong na to? Lumingon ako. Umupo siya sa tabi ko.

"Nasa bundok ba ko para sumigaw ka ng ganun kalakas?" Tanong ko.

"Sorry na." Sabi niya sabay tawa. I smiled. Naalala ko na nandito pala si Liza.

linkedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon