Daniel's POV:
Pagtapos ni Kath sa last class niya nagpaalam na kami kay Liza at pumunta sa kabilang building para sunduin si Alexa.Pagdating namin sa tapat ng classroom ni Alexa, nakita ko siyang papalabas kasama si Nash. Tss.
"Kuya!" Tawag niya sabay takbo samin. "Sige, Nash. Bukas na lang." Sabi niya kay Nash. Pumunta si Kath kay Nash, sandali silang nag-usap at nagpaalam na sila sa isa't isa at nagpaalam na rin samin si Nash.
Pagdating namin sa van, ang tahimik. Ni walang radyo. Tapos biglang nag-ring yung phone ko.
Quen calling..
Na-save ko na yung number niya kanina, baka mamaya kasi makalimutan ko pa. Sinagot ko yung tawag.
"Hello, bro?" Sagot ko.
"Dude. Where are you? Naka-ready na kami ni Juls, nagugutom na rin kami!" Sabi niya.
"Oo, on the way na kami."
"Sino kasama mo?" Tanong niya.
"Si Alexa at yung kaibigan ko."
"Ah. Sige sige. Dude! Pizza tayo mamaya!" Sigaw niya.
"Oo na! Sige malapit na kami."
"Sige, bro." Sabi niya from that, binaba ko na yung tawag.
Kath's POV:
Parang close sila nung pinsan niya na susunduin namin. Ang saya niya nung kausap siya kaya hindi ko napigilang mapangiti. Ngayon ko lang siya nakita nang ganun kasaya."Ate Kath, ano na ba kayo ni kuya?" Buling ni Alexa sa akin.
"Huh? Magkaibigan lang kami niyang kuya mo." Sabi ko. Tumango siya, then biglang nag-ring yung phone niya.
"Hello? Ate Nadz?" Sagot niya.
Alexa's POV:
"Hello? Ate Nadz?" Sagot ko."Hello, Alexa? Nasan ka na? Nag-aalala na sina mommy. Kasama mo ba si DJ?" Tanong niya.
"Opo, kasama ko po si kuya. Di pa ba siya nakakapagpaalam? Susunduin po namin sina kuya Quen at ate Julia." Sabi ko.
"Ah. Ganuna ba? Kailan pa sila dumating?"
"Kaninang madaling araw lang daw."
"Okay, sige. Umuwi kayo ng maaga ha."
"Okay po. Sige, bye na." Sabi ko.
"Inaayos na namin yung mga kailangan sa wedding." Sabi niya.
"Kailan po ba ang wedding?" Tanong ko.
"Naddie! Tara na! Susukatan na tayo ng rings. Ang bagal-bagal mo kumilos diyan." Sigaw ng kasama niya. Parang si kuya James.
"Oo! Andyan na! Masyado ka namang atat!" Sabi niya. Tumawa lang ako.
"Sige, Lexa. Mamaya na lang. Ingat kayo." From that binaba niya na yung tawag. Mukhang magiging busy na naman siya. Hayy.
Nadine's POV:
Pagkababa ko ng tawag hinila na ko ni James."Ano bang trip mo? Parang wala nang bukas! Atat na atat ka yatang ikasal!" Sigaw ko sakanya.
"I have my own schedule, pwede ba? I don't want to waste more time." Sabi niya.
"Edi bukas na lang to!" Sabi ko.
"Ang kulit mo talaga!" Sabi niya sabay hila na naman. Aso ba ko para hilain lang?
James' POV:
Nakakainis talaga tong babaeng to. I also have my own life for goodness sake."Wag mo nga kong hilain!" Sigaw niya. Tss, ang arte!