Clifford's POV
"Kuya, kunin mo naman kay Ate Kai yung pinapakuha ko sayo ha. Wag mong kalimutan. Sobrang importante nun. Di ako makakagraduate kapag wala yan" pangungulit ng bunso kong kapatid na si Jasmin. Napatingin ako sa relo ko. Since 8am, nakalimang tawag na to and it's freaking 9am pa lang.
"Okay" maikling sagot ko. Naiinis man ako pero tinatamad naman akong magsalita. Baka kung ano pa ang masabi ko.
"Puro okay na lang ang sagot mo Kuya. Yan lang ba ang alam mong salita?" Patuloy na pangungulit nito. "My God Kuya. Libreng magsalita promise. Buti di ka nagkakabad breath no?"
"Jasmin Kerlyze" may diin na banggit ko sa pangalan nya.
"Sabi ko nga Kuya. Tatahimik na ako. Gwapo mo! I love you. Don't forget my bilin ha"
"K"
I gentle massaged my nose bridge when I ended the call. Ang kulit talaga ng kapatid ko. She's my favorite sister. Dalawa lang naman kaming magkapatid kaya wala akong choice.Muling tumunog ang cellphone ko. Napabuga na lang ako ng hangin and took the call without checking the caller.
"Yes?" Sagot ko
"Dude! It's Me. Ang pinakagwapo mong kaibigan!"
"Ha? Di kita kilala"
"Tol naman e. Si Beau to. Gwapo na, macho pa"
"Annoying. Bye." Pakunwaring pagpapaalam ko.
"Di ka naman mabiro tol. Ikaw talaga ang gwapo sa ating dalawa. Pumapangalawa lang ako." Wow ha. Hanep sa kabig ang lalaking to.
."Right. Speak up now" sumandal ako sa upuan ko habang nakangisi na animo kaharap ko langa ng kausap ko.
"Wala lang tol. Ayain lang kita maya sa Hyve. Chill daw sabi kasama ang mga gunggong. Kumpleto ata tayo ngayon. Axel and Travis are here in the Philippines. Si Zane, baka humabol rin." Alistong sagot naman nito.Beau, is one of my friends way back in college in Standford University.
"Ah. Okay"
"Sabi ko na nga ba, yan lang ang isasagot mo e. Wala kang ibang script?" natatawang sagot ni Beau.
"Yeah and so?"
"Wala ka talagang kwentang kausap" Natawa na lang ako. Lagi na lang silang napipikon sa akin. Sabagay, sino bang mawiwili na kausapin ang taong tipid kung masagot. Mas mabuti pa nga daw na kausapin ang bata kaysa sa akin e.
I texted Beau. "Pikon!"
"Langya tol. Kahit sa text, ang tipid pa rin. Kala mo naman magkakasakit ka kapag nagsalita ka ng mahaba" - Beau
":D" - Me
"Baka naman tuldok na lang ang kasunod nyan ha" - Beau
" " - Me
"Tang ina mo tol!Ewan ko sayo. Wala ka talagang kwenta" - Beau
Muli akong natawa. Tumunog ulit ang cellphone ko.
"Kuya! Kuya! wag mong kalimutan! Puntahan mo na. Now na" - Jasmin
"K" I sighed. Tumayo na ako para sundin ang pinag uutos ni Brat. Kilala ko yan, di yan titigil hanggang di mo ginagawa ang gusto or pinag-uutos nyan.
Lumabas na ako sa opisina ang pinuntahan ang Ob-gyne na pinsan ko na dito rin nagtatrabaho sa ospital na pinapamahalaan ko. Nang makarating ako, isang petite na babae ang naabutan ko. Assistant, I assumed.
"Hi Sir Cliff! Good morning!" pacute na bati sa akin.
Tumango lang ako. "Si Doc Mendoza?" I asked. Nakatitig lang sa akin ang babae. "Sagot" pa-snob na sagot ko.
"ha? ah.. Si Doc Kai po? Lumabas lang po. Pero babalik rin po yun agad. If you want Sir, you can wait na lang po sa loob ng opisina nya." natatarantang sagot nito.
"Ok" Humakbang na ako papasok sa opisina ni Kai.
"You want anything Sir?" Lumingon lamang ako, umiling, at muling naglakad papasok.
I examined Kai's office. It's neat. Malamang, doctor at ospital to. Napagkatuwaan kong isuot ang white coat ni Kai. Bagay pala sa akin ang ganito. Gwapong doctor. Malamang, mahaba ang pila ng magpapacheck up sa akin. Napapailing na lang ako sa mga ginagawa ko. Huhubarin ko na sana ang coat ng biglang bumukas ang pinto. I looked at the door and saw a pretty woman with a long curly black hair. Expressive eyes. She blew some air. I held my breath. What a beauty.
"Doc Mendoza, buti naabutan ko kayo. I'm sorry I'm late sa appointment ko na to. Dami ko ring pasyente. I'm Raise Marvie de Jesus. Mabilis lang naman to di ba? I'm in a hurry din kasi"
"I'm -" naputol ang anumang sasabihin ko ng magsimulang maghubad ang babae ng kanyang underwear. Lumapit ito sa higaan na naroon sa opisina ni Kai at bumukaka. Kitang kita ko ang kanyang mahiwagang hiwa. Holy shit! I'm having a boner!
"Miss, I'm-" muling naputol ang sasabihin ko.
"Doc Mendoza, I'm in a hurry. Let's proceed." Sansala ng dalaga sa sasabihin ko. Muli sana akong magsasalita ng bumukas ang pinto at niluwa ang pinsan ko. Bakas ang gulat sa mukha nito at pinapabalik balik ang tingin sa akin at sa dalagang nakabukaka ngayon.
Oh Lord.
A/N : Meet Clifford Blake, the man with a few words? o Malakas lang talaga ang trip? :D
Find out. Keep on reading, voting and comment.
Sorry for the grammar and typo error. Good mornight!
BINABASA MO ANG
Heiress Series 2 : Raise Marvie de Jesus
RomanceClashed : Mr. Silent and Ms. Kulit Raise Marvie de Jesus - she loves kids and act like kids. Kaya nga sa halip na magtrabaho sa pharmaceutical company na pag aari ng pamilya nya ay mas ginusto nyang magtrabaho as pediatrician sa Johnson Medical Hosp...