Raise's POV
Namumungay ang mga matang tumingin sa akin si Clifford.
"Ah..shino kah? Wooah?! Wag kang umiikot.." lasing na wika nito.
"Hindi ako umiikot. Lasing ka lang talaga" palatak ko dito. "Tumayo ka nga dyan."
"Sus, tatayo lang pala e."
Halata na hirap na itong tumayo at bumalanse. Tutulungan ko sana siya nang itaas nito ang isang kamay nya upang patigilin ako.
"I don't need your help. Kaya ko to. Ako pa." mayabang na turan nito na tinaasan ko lang ng kilay. Edi wag.
Nang makatayo, sumandal ito sa kotse nya para masuportahan ang sarili. Tumingin ito sa akin at ngumisi.
"See? Hindi naman ako lasing." nabura ang pag-ngisi nito at naniningkit ang matang tumingin sa akin.
"What? I'm not doing anything ha" nakakunot noong wika ko.
Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat. "Ang kulit mo naman e. Umiikot ka na naman. Tingnan mo. Sinabi ng steady lang e." seryosong sabi nito.
I rolled my eyes.
"Hindi daw lasing" pabulong na sabi ko sa sarili ko.
"Narinig ko yun. Hindi nga ako lasing. Ang kulit mo naman." pilit pa nito.
Napakamot na ako sa pisngi ko. Ako pa talaga ang makulit ha. Arrghh. Anong gagawin ko sa lalaking to? Iwan ko na lang kaya dito?
Tinitigan ko muna ang binata habang nakapikit na nakasandal sa kotse nito. He's still handsome kahit na nakalasing. Kahit saang anggulo mo tingnan, gwapo talaga.
I sighed. Hindi kaya ng konsensya ko na iwan siya dito. Baka ma-gang rape ng mga bading to.
"Hey" untang ko dito.
"Hmmmm."
"I'll take you home. Where do you live?" tanong ko.
"Hmmmm. Condo."
"I mean, saan? Give me your exact address"
"Hmmmm."
"Damn. Sagutin mo ako oi! Wag kang matulog!" tinapik ko ang mukha nya para gisingin ito. Ngunit puro ungol na lang ang sinagot nya sa akin. Inalalayan ko ang binata patungo sa sasakyan ko.
"Ang bigat mo!" reklamo na sabi ko na maiupo ko siya sa passenger seat.
BINABASA MO ANG
Heiress Series 2 : Raise Marvie de Jesus
RomanceClashed : Mr. Silent and Ms. Kulit Raise Marvie de Jesus - she loves kids and act like kids. Kaya nga sa halip na magtrabaho sa pharmaceutical company na pag aari ng pamilya nya ay mas ginusto nyang magtrabaho as pediatrician sa Johnson Medical Hosp...