Raise's POV
@Hyve
"Hi! Can I reserve this table? We're group of seven" I asked the crew when he approached.
"Sure Mam. But you need to pay for it as reservation" ani nito.
"Ay ganun? Bayad agad?" nakunot noong tanong ko.
"Mam, policy po kasi. Your fee will be refunded later or you can exchange it to food and drinks." He explained.
"Ah. Yun naman pala. Sorry ha. Ikaw naman kasi. You should have said it earlier para good shot ka agad sa akin" I flashed my sweet smile to him. Nag-blush naman ito. "Namumula ka o. May sakit ka? Naku. Magpahinga ka muna. Magpaalam ka sa manager mo. Baka mamaya, mag collapsed ka dito." dagdag ko pa habang inaabot ko ang bayad sa reservation.
"No Mam. I'm okay lang po. Sige po. I'll settle your reservation first. Maiwan ko na po kayo." He immediately walked away from me.
"Huh? Weird ni Kuya. Baka masama talaga ang pakiramdam nya kaya nagmamadali." I flipped my curly hair and sat on the chair.
I'm tapping my fingers on the table. Ang tagal naman nina Camille. I looked around the bar. Naagaw ang atensyon ko ng grupo ng kalalakihan na sinasalubong ang isang gwapong lalaki. They are equally gorgeous. Nakakatawa pa yung isa na gumiling giling habang lumalapit sa bagong dating. Nasundan pa ng dalawang lalaki. I laughed so hard when I noticed the other one na gumigiling. Parang may tama na ito base na rin sa paraan ng paggiling nito. Halata namang di marunong gumiling pero go pa rin sa paggiling. Nakita ko na bumunghalit din ng tawa ang mga kasama nito sabay batok dito. I was stunned when I saw his face.
Si Clifford!
Aba. Akalain mo nga naman no. I immediately get my cellphone. Natatawang kinuhanan ko ng video ang binata habang gumigiling giling. Hahahaha. Akala mo ha. May embarrassing moment ka rin. Hmp! Ewan ko lang kung di mahiya sa pinaggagagawa mo. I giggled.
I stopped taking the video when they stopped wiggling their body. Sakto namang tinatabi ko na ang phone ko nang matanaw ko sina Jane na papasok sa club. They are all pretty. I bet most of men will look at them.
"Girls! Here! Here!" sigaw ko para makuha ang kanilang atensyon. Jane is with my other friends - Camille, Gracelyn and Cherry.
"Daming tao ditto" pagrereklamo ni Gracelyn as they sit on our table.
"Duh? It's Friday kaya ganito ka crowded dito. Lumabas labas ka rin kasi minsan para nasasanay ka sa crowd" sagot ko naman.
"Whatever. I saw Joan and Faith coming this way" Gracelyn said.
Sabay-sabay kaming napalingon sa may bungad ng Hyve and there, we saw our two other friends, Joan and Faith walking like models. Ang gaganda ng friends ko!!Woo!
BINABASA MO ANG
Heiress Series 2 : Raise Marvie de Jesus
RomanceClashed : Mr. Silent and Ms. Kulit Raise Marvie de Jesus - she loves kids and act like kids. Kaya nga sa halip na magtrabaho sa pharmaceutical company na pag aari ng pamilya nya ay mas ginusto nyang magtrabaho as pediatrician sa Johnson Medical Hosp...