E. T 23 - Shifted

881 33 10
                                    

CHAPTER 23

Jin's POV

"Tama na Elaine"

Sabihin mo sakin Jin, asan sila anong nangyari? Asan? Si Jun, sinong-duguan siya-

Niyakap ko ng mahigpit si Elaine dahil sa ramdam ko ang panginginig ng buong katawan niya, nakikita ko rin sa utak niya na paulit-ulit na pumapasok ang itsura ng lalakeng asa panaginip niya.

Kahit anong gawin kong pagpapakalma, tila ba bumabalik ang dating Elaine na napuno ng takot simula noong bumalik kami sa bahay nila. Hindi ko nanaman siya ma-kontrol. Nanginginig nanaman siya at parang nawawala sa sarili.

"Elaine, ano bang gagawin ko para mawala yang nararamdaman mong takot? Tapos na ang lahat, sigurado rin ako na okay silang lahat. Wala ka na dapat ikatakot, panaginip mo lang yan."

"Hindi-hindi, sigurado ako nangyari yun. Hindi lang yun basta panaginip, Jin! Ano to??? Sino sila??"

Umiiyak nanaman siya at kahit anong gawin ko, hindi na kaya ng ugat Bana ko ang emosyon niya.

"Pwede bang wag na lang nating balikan? Pwedeng maging okay ka na Elaine? Ayoko ng nakikita kang ganyan."

"Pano ako magiging okay kung hindi mo sakin sinasabi yung totoo."

Hindi ko mapigilang maawa nanaman sa sitwasyon niya lalo na't ang emosyon ng tao na tinatawag nilang "takot" ay ni kaylan man hindi ko kinayang labanan....

Flashback...

Sobrang nanghihina ang katawan ko, dahil sa ginawa nila sa buhay bana ko na nasa kamay ni Elaine, at kahit na gusto kong tulungan ang magkakapatid na maibalik si Elaine at si Jun dito sa bahay, ay hindi ko magawa dahil sa pakiramdam na para akong kandilang unti-unting nauubos.

Pinilit kong tumayo sa kama at wala pa kong isang hakbang ng maramdaman ko ang pagbagsak ng mga tuhod ko.

"Ack!"

"Jin!"

Agad na pumasok sa kwarto ko si Yo at inalalayan ako.

"Pare naman, sinabi ng wag ka na munang mag-gagagalaw!"

"Kailangan may gawin ako, hindi basta-bastang kalaban ang mga Bana."

"Magtiwala ka nga Kay Dong! Sigurado akong makakabalik sila dito ng ligtas."

"Hindi-hindi mo ko naiintindihan."

"Jin naman! Mas lalo kang mamatay kapag pinilit mo ang sarili mo!"

"Yo! Hindi mo ba nakikita??? Namamatay na ko, at sigurado akong ganun din si Elaine!!!"

Hindi ko naiwasang pagtaasan ng boses si Yo lalo na't buhay ni Elaine ang nakasalaylay dito.

"Habang tinatanggal nila sa palad niya ang buhay ko, pati siya nawawalan din ng buhay! Kaya hindi pwedeng mag-stay lang ako dito ng nakahiga, dahil sa kada sigundong nasasayang lalong lumalala ang lahat. Kaya pwede ba, tulungan mo kong pumunta sa bodega."

Tinitigan ko siya mata sa mata, at napabuntong hininga na lang siya at walang sabi-sabing inalalayan ako patayo.

*********

Pagdating namin sa bodega, agad-agad kong binuksan ang malaking monitor.

"Yo, ikabit mo sa sintido mo yang red at green na wire na andyan sa gilid."

"Huh? Bakit para san to?"

"Pumikit ka at makikita mo kung saan ang eksaktong lugar nila."

"Ah okay, okay."

My Alien Prince [COMPLETE - IKON FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon