E.T 17 - Dilemma

936 46 8
                                    

CHAPTER 17

Jin's POV

*Beeeppppppppppp*

Masakit ang ulo kong gumising kinabukasan. Ito na nga talaga ang tinatawag nilang "hang-over."

*Beeeppppppppppp*

Kanina ko pa hindi masagap ang signal ni Elaine, kaya agad akong dumeretso sa kwarto niya.

*Beeeppppppppppp*

Dahil alam kong marami ng katanungan ang nabubuo sa inyong mumunting utak, ngunit malawak na pag-iisip, hayaan niyong ipaliwanag ko ng malinaw ang lahat.

Siguro ay na-aalala niyo pa ang palitan namin ng mga dialogo ni Elaine sa utak noong kami ay nagpunta sa India para kunin ang pinaka-"rare" na uri ng diamond sa planeta niyo.

Naging posible ang lahat ng iyon ng dahil sa aking likhang obra na tiniwag kong, "Global translator." Kaya nitong pag-tugmain ang lahat ng nag-uusap sa kahit anong lenggwahe o dialekto, sa paraang ma-iintindihan nila at automatic na nagbabago ng sinasalitang lenggwahe o dialekto ng taong gumagamit nito.

Ang aking likhang obra ay ekslosibong pang tao lamang, at hindi lingid sa inyong ka-alaman na may idinagdag ako sa "Global Translator" na ginamit ni Elaine.

Bago ang araw ng pag-transport namin sa India, bigla kong na-alala ang bolang kristal na asa palad ni Elaine at ang epekto nito noon sa aming dalawa.

Ako ay lubos lamang na nag-alala sakanya dahil sa ramdam ko ang matinding kaba sakanyang dibdib noong gabi, kaya ikinonekta ko ito sa transmitter na gamit ko na siyang naging dahilan sa pagpasok ko sa utak niya.

Hindi ko ikakaila na na-aliw ako ng lubos sa takbo ng utak niya, kaya noong matapos ang aming misyon ay nag-develop na ko agad ng bagong imbensyon na pwedeng makapasok sa utak niya (ang bagay na iyon ay ang bracelet na ibinigay ko sakanya kamakailan lang).

Alam kong may batas ang bansang ito tungkol sa invasion of privacy, at isang tunay na krimen ang ginagawa ko, ngunit naisip ko na ang isang krimen na walang ebidensya ay hindi ma-aakusahang guilty sa korte gaano man katotoo na ako nga ang gumawa ng krimen.

Ngayon ang naririnig niyong sfx, ay sanhi ng kawala ng signal ni Elaine. Dapat pala ay hindi na ko nag-set ng distance para kahit saan ay pwede ko siyang masagap.

Alam ko na masyadong maraming ipinapaliwanag ang pov ko, at nais ko ng humingi ng tawad ngayon pa lang, dahil hindi na magbabago ang paraan ko ng pagku-kwento. Tandaan, ang talino ng mga Bana slash alien sa planeta niyo, ay kahit kailan hindi mauubusan ng mga bagay na makabuluhan.

*Beeeppppppppppp*

Pagpasok ko sa kwarto niya, tulad ng inaasahan wala akong nadatnan at maayos na maayos ang kama.

"Jin umalis si Elaine, babalik siya after five days, sakto bago tayo pumuntang Japan." -Yo

Napalingon ako kay yo na asa sala, napansin niya siguro na asa tapat ako ng kwarto ni Elaine.

"Okay."

At dahil sa sinabi niya, nakakasiguro ako na siya ang huling nakasama at nakausap ni Elaine. Lahat ay tulog pa, epekto ng pagkalasing namin kagabi at sa pagkakatanda ko silang dalawa ang huling natulog.

Naiinis talaga ako sa ideyang iyon ang unang pagkakataon na naramdaman kong literal na nag-shut down ang utak ko. Sa pinaka-unang pagkakataon merong bagay sa Earth na nakapag-patumba sa kin.

Base sa latak ng mga huling ala-ala ko kagabi, tinanong ni Jun si Yo tungkol sa nararamdaman nito kay Elaine, at ang tanging isinagot niya lamang ay, "Hindi ko sasabihin sayo."

My Alien Prince [COMPLETE - IKON FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon