E.T 15 - Black Market

1.1K 49 30
                                    

CHAPTER 15

Nagtransport na kaming lahat sa India kinabukasan dito kasi binabagsak yung mga kinukuha nilang diamond and dito rin nakatambak ang majority ng mga blood diamond na peke ang papeles, at eto na kaming lahat sa van na hindi ko alam kung san kinuha ni Jin at papunta na sa sinasabi nilang pugad ng mga lecheng diamond.

Fck. Bakit ba nangangatog ang mga tuhod ko, at parang mawawalan ako ng hininga anytime? Parang pinapasukan din ng lamig ang tyan ko, at parang gusto kong mag-cr.

Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ang mga bilin ni Dong kahapon na gagawin ko ngayon.

"Magpapanggap kang buyer ng diamond, at kailangan makapasok ka sa warehouse..."

Kelangan kong ayusin to, kung hindi may chance na mamatay kaming lahat.

"Ang lamig ng kamay mo Elaine." -Bin

Lahat kami napatingin sakanya, at napa-preno pa si Jin dahil hawak na pala ni Bin ang kamay ko. Ano ba to, shems hindi ko namalayan sa sobrang kaba ko!

"He he he, na-ta-ta-kot kasi ako."

I honestly said, and nabigla ako ng inakbayan ako ni Bob.

"Ano ka ba! Wag ka ngang kabahan, magtiwala ka sa muscles ko at sinisiguro ko na mauuna akong mamatay kesa sayo." -Bob

Dahil sa sinabi niya, tumaas nanaman ang sugar level at blood pressure ko! Ay joke, yung heart beat ko lang pala.

*PAK*

"Aray yo!" -Bob

Binatukan siya ni Yo na asa tabi niya, at inambahan.

"Mas lalo mo siyang pinapakaba adik ka!" -Yo

"Huh?"

Tinignan ako ni Bob, at alanganin yung ngiti niya. Bakit masyado bang obvious na nauubusan na ko ng dugo?

"Elaine, ang gusto ko lang naman sabihin galingan mo para hindi na umabot sa ganun. Ayun yun! Kayo naman masyado kayong seryoso. Tsk ah ahaha" -Bob

Ano ba, hindi talaga siya nakakatulong.

"Wag nga kayong masyadong touchy, bumababa yung rank ng mga pambato ko! Tsupe, tsupe!" -Jun

Nasa likod si Jun pero inabot niya pa rin yung pwesto namin at tinanggal ang pagkakahawak ni Bin sa kamay ko, at ang pagkaka-akbay sakin ni Bob.

"Porket mukhang papakasalan si Elaine ngayon, umi-is-score na kayo!" -Jun

Badtrip, ano ba yang mga sinasabi ni Jun! Nahihiya na ko. =_=

Kasi guys ganito yan, naka-traditional Indian dress ako, alam niyo yung malong tapos madami akong bungles (read as BUNG-GELS, not bangles :) na hindi ko alam kung tunay na gold o hindi sa magkabilang wrists ko, at syempre ang finale ko eh yung pulang marka sa noo ko.

Tapos yung dalawang magpapanggap na body guard (Double B bro) ko, naka white long sleeves, alam niyo naman na siguro yung cut at design ng mga indian, and meron silang putong sa ulo.

Wala lang para mag-mukha lang kaming mayaman, at basta may eksena pa ko mamaya, nakakaisip ko pa lang kanina.

Hindi ko na lang pinansin ang ginawa ni Jun, at ewan ko ba, actually masyado na siyang obvious ngayon, pero parang wala lang sa lahat ng mga lalake (ko).

Siguro, alam nilang naglalaro lang ang totoy na to, and they were not really interested in the sense of love. Haay, nahihiya ako na nagpaniwala ako sakanya nung una, feeling ko napaka-assumera ko at nagpa-uto ako sakanya.

My Alien Prince [COMPLETE - IKON FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon