INJUSTICE

875 26 32
                                    

EPILOGUE

After nung araw na yun naging malamig sakin si Jin na tipong hindi ko na siya kayang makausap ng matino! Tsk, nagtaka pa ko eh ganyan naman na siya noon pa. Once in a blue moon na nga lang ata kami maging sweet. Mas maganda pa nga noon na nasa Earth pa kami kasama nung mga boys (ko)! Noon merong Yo na laging nang lalandi at meron ding Dong na sobra mag-alaga.

Nakakainis! Siguro kung di lang ako nawalan ng tino noon, iba sana ang naging takbo ng buhay ko, edi sana meron pa rin akong Yo at Dong na pwede kong takbuhan, additional price na lang yung iba. Naku na-iimagine ko na yung mukha ni Jun at ni Bin kapag nalaman nilang siningit ko lang sila. lol, si Bob chill lang naman yun kahit na alam kong lagi din siyang tahimik na nag-aalala sakin.

"Nakakamiss ang Earth, kasi naman! Ba't ba sobrang payapa dito, nakaka-bano tuloy."

Ay hindi siguro nararamdaman ko lang to ngayon kasi buntis ako.

"Siguro kapag lumabas ka na magiging makulay na ulit ang buhay ko, baka pwede na nating libutin 'tong planeta ni Jin, tapos pag walang taon ka na pwede na natin siyang layasan at bumalik sa Earth para hanapin yung mga tunay mong tatay." Hihihi, natutuwa ako sa ideyang makikita ko ulit sila ng personal.

"Ako lang ang tatay niyan."

Hmp. Bwiset! Nag-salita ang bato. Alam kong nababasa niya ang isip ko at wala na kong paki-alam kung ano man ang marinig niya!!!!! Mabuti nga at malaman niya.

Okay sige, sa totoo niyan kahit sing tigas siya ng bato at sing lamig ng yelo, wala ata ni isang segundo na umalis siya sa tabi ko, liban na lang kapag tinawag ako ng kalikasan o kailangan ko talaga ng matinding pribadong buhay dahil sa pangangalaga ko sa mga maseselang parte ko ng katawan na di niya dapat laging nakikita. Hello, tao pa rin ako may konsepto ako ng malisya. =_=

Hindi ko alam, yung hindi niya pag-hiwalay sakin, yun ata yung paraan niya kung pano mapraning? Kahit hindi niya kasi sabihin, huling-huli ko at ang linaw-linaw na ino-obserbahan niya ko kada segundo ng buhay naming dalawa. Dahil siguro to dun sa ginawang tulong sakin ni Chan na wala ngang kapalit, uulitin ko ulit WALANG KAPALIT.

"Hindi mo lang alam."

Sabi niya sabay walk-out sa kwarto namin. Tignan mo to! Yan nanaman siya! Ba't ba hindi siya marunong mag-explain? Bigla-bigla na lang aalis ng wala man lang konkretong sasabihin! Ano ba naman yung magsalita siya ng tatlo o limang sentence para sabihan ako sa nangyayari di ba? Para naman kahit papano nagkakaintindihan kami! Hindi yung tatayo na lang siya at aalis tapos wala na! Nakakainis talaga, ilang buwan ko na ring tinitiis yung ganyang ugali niya!

Hindi pala porket taga-ibang planeta na siya eh iba na yung ugali niya sa mga lalake ng Earth. Mga hambog! Bwiset! At hindi ko rin ba alam kung bakit ganito ako, ang bilis kong magalit at ang bilis koring umiyak lately! Tulad ngayon...

...

...

...

Naiiyak nanaman ako! Patapos na nga lang ganito pa!

Pakiramdam ko wala ni si Jin na minahal ko bilang tao, dati kasi nung magkapareha pa kami ng lahi maruno siyang makipag-bate, tulad na lang noong nilutaan niya ko para lang mawala yung galit ko.

Miss na miss ko na talaga yung Earth, at ewan ko ba sa luhang to! Lumalabas nanaman ng walang pahintulot! Feeling ko tuloy ang pangit-pangit na ng itsura ko, anlaki-laki na kasi ng tyan ko dahil sa kabuwanan ko na! Ni hindi ko na nga kayang tumayo sa bigat niya, ayoko na! Hindi na ko mag-bubuntis ulit!

"Nako kung alam mo lang kung anong hirap ko ng ilang buwan bata ka!"

Mga ilang minuto rin akong nag-drama at umiyak ng tahimik ng bigla nanamang pumasok si Jin at himala may di maipaliwanag na ekspresyon ang mukha niya.

My Alien Prince [COMPLETE - IKON FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon