E.T 24 [2.2] - Stranger

887 30 12
                                    

CHAPTER 24.2

Alam ko hindi talaga dapat ako sumama at mag-pauto sakanya, pero masisi niyo ba ko??? Ayaw magsabi ni Jin kahit anong pilit ko, kahit nga siguro pitpitin ko yung mga daliri nun, hindi yun magkwen-kwento kung ano yung nangyari sakin nun, kasi parang pati siya ayaw na niyang ma-alala.

Kaya ngayon wala na kong pakialam basta ang mahala malaman ko na ang lahat para mawala na lahat ng haka-haka ko lalo na sa batang asa sinapupunan ko. Hindi sa wala akong tiwala kay Jin, pero kasi pwede niyang baguhin ang nasa isip ko, malay ko ba kung peke yung pinakita sakin ni Jin na nakaraan ko? Pano pag hindi pala siya talaga ang tatay ng anak ko? Haay ang gulo-gulo!

Tatapusin ko na talaga to kahit ano pang mangyari sakin.

"Hindi nga kita sasaktan, ang kulit mo."

"Huh?"

Kaloka, na-i-insecure na talaga ako! Bakit yung mga kapitbahay nating alien kayang-kayang magbasa ng iniisip ng tao parang basic skill na lang sakanila yun, samantalang tayo habang buhay na lang na umaasa sa instinct na minsan sablay pa.

"Hahahahaha!"

"Itigil mo nga yang pagbabasa ng isip ko."

"Sorry, hindi ko mapigilan naririnig ko eh."

Hmp! Bwiset na batang to, pasalamat siya mabait ako sa teens, teka ano ngang pangalan nito?

"Chan"

"Chan?"

Nu ba yan, di man lang pinag-isipan bagay sa mga tambay sa planeta natin na walang magawa sa buhay.

"Grabe ka naman makapang-husga, tinutulungan ka na nga lang."

Psss, sana nga totoo na wala kapalit 'tong pag-tulong niya.

"Wala nga! Kahit pa mag-makaawa ka pang kunin ko ang buhay mo o ang buhay ni Jin, hinding-hindi ko gagawin okay?"

"Hahahahaha!"

Ako naman ngayon ang natawa kasi parang totoo na yung galit niya. Hahaha

"Makulit ka kasi, kelangan pa talagang ulit-ulitin."

"Naninigurado lang."

"Oo na nga, tara dun sa bench."

May tinuro siyang upuang kahoy sa malapit na may sandalan at nauna na siya sakin.

"Hindi siya gentleman nakakainis."

"Andami mong reklamo, kaya di na asenyo sa lahi niyo."

Sigaw niya habang tinatapon yung balat nung ice cream na kanina ko pa naubos pero siya sa sobrang pagkagusto ata dun sa ice cream, inunti-unti niya talaga.

Ang galing nung papaya bar soap na ice cream nila, hindi natutunaw! Tapos malalaman mo lang na ice cream kapag asa bibig mo na talaga. Hahahaha

At etong batang to, bibingo na talaga sakin to.

"Hoy! Wag mo ngang mainsulto kaming mga tao!"

"Okay sabi mo eh."

Ang sarcastic niya pa, buset kung di ko lang kailangan to. Kahit ayoko na, lumapit pa rin ako at umupo sa tabi niya.

"Oh ngayon pano mo ibabalik ang ala-ala ko?"

"Hmmmm, ikaw anong gusto mo maglalakbay tayo sa nakaraan mo o yung tulad ng ginawa ni Jin, matutulog ka tapos pag-gising mo alam mo na ang lahat."

"Maglalakbay sa nakaraan ko?"

"Oo, hmmm pano ko ba ii-explain, alam mo yung astral projection?"

My Alien Prince [COMPLETE - IKON FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon