#GreatPretender

1.6K 58 19
                                    

Basic tayo. Yes, kaming mga babae mahilig kaming magpanggap. Hindi ko yon ikakaila. 

Paborito naming salita tuwing nagpepretend kami? Okay Lang Ako. 

Kapag nasasaktan kami, what do we do? Nagpapanggap kaming okay lang kami. Nagpapakamanhid kami kahit alam naming ang sakit sakit na. Alam niyo ba yung kasabihang rubbing salt to the wound? Mahilig din kaming mga babae sa ganyan. Kahit alam naming masakit, titignan parin namin. Minsan nga, kapag may naririnig kami, nagbi-bingibingihan kami unless yung taong yun na mismo ang magsasabi sa amin. Pag may magsusumbong sa amin na may nakitang makakasakit sa amin, nagbubulag-bulagan kami unless makikita na mismo ng dalawa naming mga mata ang katotohanan.

Karamihan sa aming mga babae, mahilig mag mukmok. Nasa isang sulok lang at aakuin ang kanyang problema. Minsan kaming mga babae kung may problemang dumating, iiyak kami. Kapag mag-isa kami dun mas nilalabas namin kung ano ang mga nasa loob namin. 

Mahilig kaming mag fake smile at mag-inarte na walang nangyayari. Sa ginagawa namin na ganyan, alam niyo ba na mas masakit? Mahirap masyado para sa aming mga babae pero pinipilit parin naming ngumiti. We act like we don't care but deep inside, it fucken hurts.

Kaya nga girls, a person who truly loves you is someone who see the pain in your eyes while everyone believes in the smile on your face. 

Hashtag Girls.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon