Hindi ko alam kung paano ko sisimulan.
Basta ang alam ko, gulong gulo ang utak ko at kailangan ko ng...pampakalma.
Ganun naman siguro. Bawat tao may kanya kanyang paraan para kahit papano ay matabunan ang sakit na nararamdaman. Yung iba, hindi ko rin masisisi kung bakit nagpapakalunod sa alak o nagpapakasunog sa sigarilyo. Ang iba naman, nagmumura, naghahamon ng away, nanakit ng iba o sinasaktan ang sarili kung hindi na kaya.Samantalang meron nama'ng mga tao na tahimik lamang sa isang tabi. Tinatakpan ng pekeng ngiti ang mapait na nararanasan para maipakita ang katatagan sa kabila ng bawat unos. Meron din namang nagwawala sa pamamagitan ng pag kanta sa videoke bar. Hindi alintana ang tengang nakakarinig, sige lang sa pagkanta habang humahataw ng sayaw kahit na nakakairita na. Yung para bang bawat lyric ng kanta ay tagos sa puso dahil relate na relate ka.
Ilan lang yan sa mga karaniwang nasasaksihan ko sa mga taong nakakasalubong at nakakasalamuha ko araw araw.
Hindi ako naniniwalang may manhid na tao. Lahat nakakaranas ng iba't ibang emosyon- Saya, galit, poot, inggit at marami pang iba. Ang salitang manhid ay para sa mga robot lamang; sa mga bagay na walang buhay. Marahil, may mga taong sadyang walang pakialam kahit hayag na ang mga maling ginagawa.Sige lang ng sige not minding about the consequence they might face because of their stupidity and their being oblivious.
At ako, isang ordinaryong tao din na may pakiramdam- nagmamahal, nasasaktan at natututo.
Pero paano ka nga ba matututo kung wala kang ginagawang tama? Kung paulit ulit mong na ginagawa ang mali na alam mong 'mali' simula pa nung una. Halos karamihan, gumagawa ng mga paraan- ways to forget pain even if it's just for a short time. Puro paraan lamang para makatakas sa mga sakit na nararamdaman hindi paraan para malutas ang problema at magamot ang sugatang puso.
Siguro nga, talagang may katangahang taglay ang mga tao-katulad ko.
Nakakatawang isipin na maging ako ay kabilang sa mga taong iyon sa kabila ng aking marahas na pag sasalarawan sa karaniwang nangyayare sa paligid ko.
Tulad ng sinabi ko, ako'y isang tao din na may parehong pinagdadaanan na tulad ng sa iba.
Ako na nasa gitna ng madilim pero tahimik na gyera sa pagitan ng puso at utak ko.
Nasasaktan ako sa hindi malamang kadahilanan.Marahil ay nababaliw na nga ako.
Pero bago pa man ako matuluyan, heto ako, humagilap ng isang ballpen at luma ngunit hindi pa nagagamit na notebook.
Katulad ng mga taong nabanggit ko kanina, gusto ko munang makalimot pero ayokong magpakalunod sa alak o magsunog ng baga sa paghithit ng sigarilyo. Ayoko ring magmura o manakit ng iba lalo na ang sarili ko. Mas ayoko namang magbaliw- baliwan habang kumakanta na lumuluha sa harapan ng videoke.
Pinili kong manahimik.
Nagtungo ako sa isang sulok ng naka-kandado at tahimik kong kwarto.
Siguro nga ay hindi agad ako makakabawi at matututo dahil ang nais ko muna ngayon ay magpakawala ng emosyon sa pamamagitan ng tahimik na ballpen at papel.
....At sana,
makatulong ito kahit papaano.
A/N: Sana matapos ko ang kwento na to.Sana wala ng burahan.Sana sana.Lord, help me to complete this story.
Lord, help me to stay sane:)