Untitled Chapter 3

2 1 0
                                    

**

Tinalikuran niya kami matapus niyang suntukin sa mukha ang unconscious na si Kris. Mabuti na lamang at maraming kamay ang agad na sumalo sa kanya kanina, kung hindi, baka napasama ang kanyang pagkaka bagsak.

Tuloy tuloy lang sa paghakbang palayo ang galit na galit na mukha ng lalaking iyon. Nakakuyom parin ang kanyang mga kamao at hindi ako tanga para hindi mabatid na nagpupuyos parin siya sa galit hanggang ngayon.

Hindi ko siya masisisi sa ginawa niya. Isang malaking kasalanan ang nagawa namin, lalo na ako. Hindi ko agad na isip na baka may mahalaga siyang exam na dapat i-take at may subject siya na dapat pasukan. Pero kahit pa, hindi iyon rason para manuntok siya. Naglalaban ang utak ko sa sarili kong konsensya. Pare-pareho kaming may pagkakamali at alam kong mas grabe ang nagawa ko at dehado siya dun.

Susundan ko sana siya. Pero naisip ko, baka madagdagan lang ang kayang galit at magka sagutan lang kami. Ayoko ng ganun, sana maidaan namin ito sa magandang usapan. Sana maki-pagtulungan siya para malutas ang gulong to. Alam ko naman ang pangalan niya, siguro ay kakausapin ko na lang kapag nahimasmasan na siya. Hindi ko alam ang kurso niya at aalamin ko pa lang mamaya.

Nagtulungan kaming anim para madala si Kris sa School Clinic. Binuhat siya ng mga lalaki habang pinapaypayan naman namin si Kris dahil kailangan niya ng hangin, baka sakaling gumising na siya. Mukhang grabe ang pagkaka suntok sa kanya ni Reign dahil agad na nagka-ube ang taas ng kaliwang mata ni Kris.

Pinigilan ako ni Jen Jen na sumama sa kanila para makapagpalit na daw ako ng malinis na damit.

"Kami ng bahala sa kanya, Sena. Maglinis ka na lang at kung ok kana, deretso ka na lang sa school clinic." matipid niya akong nginitian.

"Pero paano pag tinanong nung nurse kung anong nangyare? Kailangan kong magpaliwanag, Jen Jen."

"Kami na bahala,alam naman namin ang buong pangyayari kaya wag ka ng mag alala, don' worry too much,K? Tsupi na at linisan mo  na sarili mo. Para kang batang yagit.Haha."

Um-Oo na lang ako.

Nag volunteer na din si Mae na samahan ako sa CR para maka pag palit ng Uniform.

Pagkakuha ko aking gamit sa  locker, agad kaming humakbang patungong CR. Maraming estudyante parin ang napapalingon sa akin na nginingitian ko na lang kahit na hindi ko sila kilala. Siguro nagtataka sila kung bakit may pulubing nakapasok sa University na ito.Humahagikhik sa tabi ko si Mae at pinagtatawanan ang kalagayan ko. Nakitawa na rin ako dahil biglang gumaan ang pakiramdam ko. Iniisip ko parin kase ung nangyare sa labas kanina. Iniisip ko yung ipapasa naming Documentary, nag aalangan ako kung ipapasa parin yun gayong nagalit namin ng sobra si Reign. Sana nga lang ay wag na siyang umapela.

Long sleeve na puti na naka tuck-in sa kulay itim na hapit na palda ang uniform ko at nang iba pang BA students. Tinupi ko ang aking sleeves hanggang siko para hindi masyadong mainit sa pakiramdam. Sobrang formal ng uniporme ko na aakalain ng mga tao sa labas na nagta trabaho  ako sa isang kumpanya. Sinasanay kami para kung sakaling magkatrabaho kami ay hindi na bago ang ganitong pananamit. Sinuot ko na rin ang 4-inch heels ko na nagpadagdag sa tangkad ko.

Humarap ako sa tapat ng salamin. Kanina lang, pulubi ang itsura ngayon. Pero ngayong nakikita ko ang repleksyon sa salamin-malinis at maganda ang pustura, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang layo ng itsura ko ngayon at kanina.

"Kanina, kaawa awa kang tingnan. Ngayon, mukha ka na'ng prinsesa." Napangiti ako sa sinabi ni Jen Jen. Syempre, alangang mag paka humble pa ako. Minsan na nga lang maka tanggap ng papuri.

Tinahak na namin ang clinic at naabutan namin sa loob si Kris na napapa aray sa tuwing dinudulutan ni Mae ng cold compress ang noo niya. Naka upo lang siya habang humihinga ng malalim at tinitiis ang sakit. Sabi ng nurse, hindi naman daw malubha ang natamo ni Kris maliban sa kulay ubeng pasa niya sa gilid ng kanyang mata. Sa palagay ko ay nag iinarte lang siya dahil kung sa isang straight na lalaki nangyare iyon, hindi nito iindahin ang sakit. Sa halip, marahas itong lalabas ng clinic para resbakan ang gumawa sa kanya niyon.Pero iba si Kris. Siya ay isang lalaking may puso ng sa babae, he's acting like a girl and moves like a refine woman, daig pa nga ako.

When a Heart BreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon