Untitled chapter 1

6 1 0
                                    

****

****

Gusto ko na sanang umurong sa eksperimentong ito, pero ngayon pa ba ako aayaw kung kailan ka- orasan na? Nasapak ko ang sarili kong ulo dahil sa kagagahan kong magpa-uto sa mga kagrupo ko. Sabi nila, ako daw ang napili nila dahil ako daw ang pinaka maganda sa klase namin dahil meron daw akong angelic na mukha.What is the connection of having a pretty face sa social experiment na to di ba? What's the logic? Pero huli na ang lahat ng mapagtanto ko ang kagagahan ko. Heto ako, nakasuot ng madungis na damit, balot na balot ng uling ang buo kong katawan. At hindi pa nakuntento ang mga kagrupo ko, sinira nila ang laylayan ng aking damit para daw kapani-paniwalang isa akong pulubi.Yes, you heard it right? Ang get-up ko ngayon ay isang pulubi. Bwisit talaga itong mga ka-grupo ko, naku kung hindi lang talaga dahil sa grade!.Naku,naku talaga. Lagot ako kay kuya kapag nalaman niyang ang kanyang nag-iisang kapatid na babae ay lapastanganan na kumuha ng isang malaking T-shirt sa closet niya. Kasalanan ko bang sa kanyang closet ang nagkataong bukas at hindi dun sa dalawa ko pang kapatid na lalaki? Pero okay, mali parin ang ginawa kong pagkuha ng bagay na walang paalam.But then, I had no choice, luma na rin naman ang kinuha ko, kaya siguro hindi na niya mahahalata. My groupmates warned me not to tell anyone ang tungkol sa social experiment na isasagawa namin.Ayon na rin sa paalala ng aming instructress sa Philippine Literature. Ako talaga ay nagtataka parin hanggang ngayon kung bakit may Literature pa akong subject gayong Business Administration ang kurso ko. Maybe, I could ask may instructress why because curiousity kills the beggar cat.

"Oh ano, ready na ha? Galingan mong umarte. Magpakanatural ka lang. Tapus yung pananalita mo ayusin mo , huwag kang mag e-english o mag iinarte sa harapan ng subject mo ah? Dapat mahirap talaga ang ganap walang bahid ng isang Sena Elizabeth Santillan."

Kita mo to. Act naturally daw pero pinagbabawalan akong magpakita ng kahit anong bahid ng totoong pagkatao ko? Anggulo lang men.

"Oh, good luck, dun lang kami sa may gilid ng pader at sila naman" turo sa iba ko pang kagrupo " ay mag papanggap na passers by lang. Ako ay kukuha ng litrato at videos tapus si Jenjen naman ay mag tetake note." rushed na saad ng acting leader namin. Bale 7 kami sa grupo. Ako na magpapanggap na pulubi, oo pulubi talaga, tapus sina Mart, Mae, Tristan at Diane naman ay ang passers by, Xtian na acting leader namin na nagiging Kris sa gabi dahil isa siyang half human-este a man with a female's heart at ang panghuli ay si Jen jen na taga take note lng ng mga observations.

Ang main goal ng experiment na ito ay malaman ang response ng mga tao kapag nakakakita sila ng pulubi. It is also like putting yourself in the shoes of the life of a beggar. Pumayag narin ako sa kagustuhan ng mga kagrupo ko dahil meron namang maidudulot na magandang aral ang gagawin namin kung saan- ako ang main character. Wish me luck lang talaga.

Marahas na ginulo pa ni Xtian( Kris) ang aking buhok. Tinapunan ko siya ng isang nakakamatay na titig.Hindi ko alam kung may galit to sa akin o talagang insecure lang siya sa maganda kong buhok.

"Bruha, paano ka nyan mapapaniwalaang pulubi kung, hahayaan mo lang na nakalugay ang buhok mo?" ganti niya sa madilim kong titig.

"Kasalanan ko ba kung bakit mahirap papangitin ang mukhang to?" kanina pa talaga ako naiirita sa mga ito. Ngayon naman, gusto nila akong magmukhang mapangit. Bakit, lahat ba ng pulubi panget? Masyado nilang ina-under-estimate ang kakayahan ng mga pulubi. Okay, nagiging heroine na ako dito.

Sinigurado naming hindi kami mapapansin ng mga estudyante sa school na pinapasukan namin. Labas-masok ang mga estudyante sa paaralan.Sa tansya ko ay mag a-alas nwebe pa lang ng umaga kaya mas marami akong nakikitang pumapasok sa main gate kung saan may nagbabantay na isang guard na isa rin naming kasabwat sa gagawin naming experiment. Well, erase, hindi namin siya kasabwat pero alam niya na may mangyayaring social experiment dahil one week na ang nakakalipas simula ng magpaalam kami kung pwede kaming mag conduct ng kakaibang eksperimento.

When a Heart BreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon