"Anong kailangan mo?"
"Uh-uh-Kuya palimus pooooo!!!!" malakas kong sigaw sa tapat niya habang nakalahad ang dalawa kong palad.
Marahang kumunot ang kanyang noo pero agad din yung napalitan ng awa na nasisilayan ko sa kanyang mga mata. Kinailangan ko pang tumingala dahil napakatangkad niya.Uhm, sa tingin ko ay 6 footer siya or more?
Ipinasok niya ang kanyang kamay sa bulsa ng slacks niya, narinig ko ang pagkalansing ng mga barya.
Hindi na niya iyon binilang bago ibigay sa akin, naramdaman ko ang pag lagpak nito sa palad ko.
"Oh ayan na ah, huwag mo na akong kukulitin." naiinis niyang saad at humakbang na pauna.
Pero dahil makulit ako, bumuntot parin ako sa kanya na parang aso.
Muli siyang bumaling sa akin na may pagtataka, palagay ko ay mas lalo siyang naiyamut sa prisensya ko.
"Sinabi ko na sayong wag mo akong susundang pang muli hindi ba? nakakintinde ka ba miss?" Tumaas ang kanyang boses dahilan para mapaatras ako ng dalawa. Mula sa gilid ng aking mata, nakita ko si Kris na ngiting ngiting pinagmamasdan ang senaryong nasa harapan niya.
Wala pa man akong nagagawa sa lalaking ito ay ginagalit ko na siya pano pa kaya kung may gawin akong hindi kaaya aya? Well, sa tingin ko ay pinipigil niya ang sariling sumigaw o manakit pero kita ko ang pag tikom ng kanyang mga kamay at pag tiim ng kanyang bagang. Ito ang nais mangyare ng grupo at ang misyon ng aming Social Experiment- ang pag aralan ang response ng mga tao kapag may nakakasalamuha silang pulubi sa daan. Para sa akin, hindi ako nagkamali sa paglapit sa kanya, sa tingin ko naman ay hindi siya bastos na tao o matapobre, may pagkamabait at pagka misteryoso ang kanyang aura at nais kong subukan kung hanggang saan ang kanyang pasensya. Dito naka salalay ang final grades ng grupo kaya sana maging maunawain at mahabagin ang lalaking nasa harapan ko kapag nalaman niya na isang malaking set up ang nangyayare ngayon.
Huminga siya ng malalim at nawala ang kunot sa kanyang noo.
"Okay, ano pang kailangan mo Miss?" Mahinahon niyang tanong habang hindi mapakaling tumitingin sa kanyang relo. Bumalik ang kanyang atensyon sa akin at tiningnan ako ng seryoso na para bang isa akong problema na dapat lutasin.
"Penge pagkain."
Muli kong nilahad ang palad ko sa tapat niya. Bumuntong hininga siya pero tumigil bago sumagot. Pinakita ko muli ang aking nagmamakaawang mukha.
"Binigyan na kita ng pera hindi ba? Ibili mo ng pagkain kung nagugutom ka." humalukipkip siya sa aking harapan at dumako ang paningin sa mga taong dumaraan.Sa mga passers by ay kabilang ang iba kong kagrupo na mga nagpapanggap, nginitian nila ako ng hindi nagpapahalata sa taong nasa harap ko at sa mga iba pang estudyanteng naglalakarang napapatingin sa direksyon ko.
"Bawal po. Kailangan kong pakainin ang mga supling ko na naiwan sa bahay. Hindi ko pwedeng gastusin ang pera dahil pambili ko pa yun ng gatas,may sanggol po akong anak." Gusto ko sanag matawa sa sinagot ko. Nakakatawa ang salitang 'supling' tas ako? may sanggol pang anak? Haha.
Samantala, nakita ko ang pagka gulat ng kanyang mukha. Lumaki ang kanyang mata dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Maging ako naman ay hindi makapaniwala na yun ang sinabi ko.
"I-ikaw? May anak??" Gulat niyang saad habang ang isang daliri ay nakaturo sa akin.
"Sa liit mong yan?"
Iirapan ko sana siya dahil sa panlalait niya pero pinigilan ko ang sarili ko.
Excuse me, 5'5" po ang height ko at hindi ako maliit,talagang matanglad ka lang.