************************************************
"I'll do anything...until you say 'Yes'."
Mukhang nakarinig ata siya ng isang joke dahil ngumiti siya ng may kasamang panunuya. Nakita ko rin ang kanyang disgusto sa mga narinig. Bahagyang kumunot ang kanyang noo habang ang mga magaganda niyang mata ay nakatuon sa mukha ko.Iniiwasan niyang salubungin ang mga mata ko sa hindi ko malamang kadahilanan.
"Sundin niyo ang gusto ko, yun lang ang kailangan ko."
Buo ang kanyang boses na para bang wala nang makakapagpabago pa ng kanyang isip.
Sa ikalawang pagkakataon, tinalikuran niya kami.
He left and he let the problem unresolved.
--
Kung makikipag tigasan siya ng ulo,well,hindi rin ako makapapayag na mapunta lang sa wala ang ginawa naming eksperimento. Hindi ko hahayaang bumagsak at magkaron ng mapangit na grade ang transcript of records ko.
Privacy lang ang pinaglalaban niya samantalang ang akin ay Grades. Hindi iyon patas.
Napasinghap ang mga kagrupo ko,lahat ng ekspresyon ng kanilang mukha ay may halong pangamba.
Sinubukan naming kausapin ang aming guro sa Literature, nagbakasakaling may iba pang alternatibong paraan para sa aming proyekto. Gusto man kaming tulungan ni Ma'am ay sinabi niyang hindi pwedeng baguhin ang requirement sa aming Finals dahil ang ibang grupo ay tapus na sa experiment at naka pag pasa na.
"Kayo na lang ang hindi nakakapag-pasa ng Documentary.I'm sorry pero we need also to consider your other classmates. Baka kasi isipin nilang may special treatment ako sa grupo niyo. Wala naman akong nakikitang matinding problema sa ginawa niyo.I suggest, kailangan niyo talagang makumbinsi iyong subject niyo na maisama sa Documentary niyo. You only have 1 week and 3 days to pass it. Ipaliwanag niyo sa kanya na hindi naman mapapanood ng iba ang ginawa niyong project.It will be seen only between me and your class."
May punto si Ma'am kaya wala kaming ibang choice kung hindi
sumqng ayon. We have no choice but to convince him and make him agree.
Pero paano kung ayaw niya namang makipag-cooperate?
"Ako ang bahala." pag iincourage ko sa kanila.
"Ikaw ang bahala tas ano?Kami ang kawawa?" Saad ni Kris.
Hinawi niya ang kanyang imaginary long hair. Sa gitna ng aming pangangamba ay nagawa pa niyang kumendeng-kendeng habang naglalakad kami sa hallway. Ewan ko lang kung natural na talaga ang kanyang movement na yun o sadyang nagpapapansin lang siya sa mga tao especially sa mga lalaking nakakasalubong namin. Na I think hindi effective dahil hindi man lang napapabaling sa kanya ang mga ito.So bad.
"Huwag nga kayong nega, pwede ba? Nag-iisip na nga ng paraan kung paano natin masusulusyunan yung problema natin."
Inakbayan ako ni Mae.
"Basta full support ako dyan."
Nag sang ayon na rin ang iba at huling um-oo si Kris. Hindi pwede ang pagiging choosy niya sa ganitong sitwasyon, lalo na kung grades namin ang nakasalalay.
"Ano bang plano mo?" Chorus nilang sabi at matyagang nag aabang sa aking sagot.
"Liligawan ko siya."
simple kong sagot pero mamuti ang kanilang mga mata dahil sa sinabi ko.
"Mag karoon ka naman ng kahit anong dignidad dyan sa sarili mo. Alam nating uso na ngayon na babae ang nanliligaw pero mahi--" Pinutol ko si Kris sa pagsasalita.
"Hep hep hep! Ano ka ba naman! Ibang panliligaw yun!" napakunot ako sa batok at nagpatuloy muli sa pagsasalita "Ang ibing kong sabihin, kukunin ko ang kanyang loob. Kailangan ko siyang paamuin hanggang sa mapa-oo ko siya.Pero bago ko iyan maisagawa, kailangan ko munang makipagkaibigan sa kanya." Nakaramdam ako ng kaba sa mga huling salitang binitawan ko.
Paano ko naman kaya siya magiging kaibigan?
Yung ganoong tao? Sa unang tingin parang ordinaryo lang naman pero mamaya maya bigla na lang magiging monster and then biglang magiging mabait and then magagalit ulit. Napaka seryoso na parang andaming bagahe sa buhay? Parang galit sa tao? anti-social.
Maraming pumapasok sa utak ko nang biglang may bumunggo sa likuran ko. Medyo malakas ang impact kaya nakaramdam ako ng konting sakit.
Marahas akong lumingon sa likuran ko para naman makita ang pagmumukha nung kungsinu mang ponsyo pilato na naka bangga sa akin. Ngayong kumukulo ang dugo ko dahil sa problema aba'y may dadagdag pa ata. Gusto niya atang marinig ang mala-Meriam Santiago ko'ng speech.
"Aba't napakawalang modo na-"
Masyadong mabilis ang pangyayare kaya't hindi ko na napagpatuloy ang pagsasalita ko dahil mukhang nakikipaghabulan ang lalaking yun kasama ang mga kabarkada niya. Puro sila tawanan at sigawan sa gitna ng hallway.
Pero napako ang aking atensyon nang mapag sino ang taong iyon.
Muli kong nasilayan ang chinito-eyes niya.
Iniharang niya ang kanyang palad sa harapan ko, aligaga pero kita ko ang kanyang emosyon na mukhang hindi sinasadya ang aming pagka bunggo.
"Sorry Miss! Hindi ko sinasadya!"
One shout and he's all gone.
Yung saglit ko na pagkakita sa kanya ay parang isang kisapmata rin nang mawala siya sa paningin ko.
Nakita ko siyang muli.
kinapkap ng aking kanang kamay ang loob ng aking bulsa hanggang sa mailabas nito ang isang malutong na limang daanin.
Muntik ko nang malimutan.
May maganda rin palang nangyari ngayong araw.
Ang alalaa kanina ay nag-iwan ng ngiti sa aking mga labi.
^____________^
***