************************************************
Napabuntong hinga ako ng malalim matapus marinig ang huling reminder ni Mrs.Bernardo.Saad niya, meron na lang kaming natitirang isang linggo para maipasa ang requirement sa Finals. Well, medyo matagal pa naman ang finals namin sa Literature pero kase, kailangan muna iyong ma-check para mabago kung may mga errors or pagkakamali sa buong detalye ng experiment.
Kung hindi makakapag pasa sa binigay na palugit, hello again, Literature subject-.-
Alam mo yung feeling na mas pinoproblema mo pa ang minor subject kesa sa major?
Sana pala magpa-written exam na lang si Ma'am.Edi masaya!
Kaso hindi na pwede. Yun kase ang nakalagay sa course discription ng subject.hayyyy!
Tatlong araw na ang nakalilipas pero ang plano naming maresulba ang problema ay tila trapik sa Edsa -walang pag-usad.
Ilang beses ko na ring sinusuyo ang lalaking iyon! Pero lagi niya lang akong tinatakasan! Jusmiyo! Kahit mag mukha na akong tanga kakahabol sa kanya hindi ko talaga siya tinatantanan kahit san siya magpunta.Maging sa Men's Comfort room ay binubuntutan ko siya! Oh well, hanggang labas lang naman.Gosh! Nakakahiya talaga yung pagiging desperada ko. Ang arte naman kase ng lalaking yun!Ugh! Para siyang babae,nope,mas maarte pa siya sa babae! Sobrang pakipot!
Minsan nga naiisip ko,siguro sinasadya niyang mangyari ito nang sa ganun ay lagi niyang makikita ang maganda kong mukha.Oo,ganun na nga! Wala eh.
3 damn days and yet, my grade is still in danger.
Palabas pa lang ako mula sa isang com shop na malapit sa school na pinapasukan ko. Siguro, mga 20 meters lang ang distansya mula sa main entrance ng school.
Mag-aalas kwatro na rin pero kailangan kong bumalik sa school para umattend ng last class ko for this day. Hawak ko ang limang pahina ng bond paper na ipapasa ko sa sunod na klase.
Thou Statistics ang subject na yun, meron rin kaming ilang lesson na hindi required ang solving.
Mukhang may pagbadya ng masamang panahon dahil bahagyang makulimlim ang kalangitan. Kung kanina ay kulay asul ito, ngayon naman ay makapal na makapal abo. Marahan din umiihip ang malamig na hangin. Tapus na ang pasko pero nararamdaman parin ang hanging amihan sa buong lugar.Hayy.
Nagmadali ako sa paghakbang dahil baka bumuhos na lang ang malakas na ulan.Edi sayang ang pina-print ko?
Tila ganun din ang mga taong nakakasalubong ko. Katulad ko, naghahanap din sila ng lugar na mapagsisilungan kung sakali ngang uulan.
Sa pagmamadali ata ng isang lalaki, hindi niya napansin nakakabunggo na pala siya ng tao. Grabe! masakit ah! Pero napa-tsk na lang ako ng hindi man lang lumingon ang lalaki,bagkus ay dere-deretso lang sa paghakbang palayo.
Aba matinde.
Hindi ko napaghandaan ang malakas na pagihip ng hangin kaya naman, mabilis na kumawala ang mga hawak kong pahina mula sa aking kamay.
Bigla akong nakaramdam ng pangamba.Hala! ang assignment ko! Huwag kang mag bibiro ng ganyan kapalaran! Pinaghirapan ko yung hanapin sa internet for 2 damn hours!
Mabuti na lang kamu at walang gaanong nagdadaanang mga sasakyan,kundi,patay kang Sena ka,tapos na ang maliligayang araw mo.
Sa pagmamadali ko, hindi ko napansin ang isang kamay na panigurado akong hindi sa akin. Pinulot niyon ang dalawang bond paper na nasa hindi kalayuan. Isang lalaki ang nag magandang loob na sa palagay ko, schoolmate ko rin!
Lumapit ako sa nakatalikod niyang katawan para mapag sino iyon at sa ganon ay makapag pasalamat na din.
"Maraming salamat.Naku, sorry naka-abala tu--" hindi ko natuloy nang makita ang isang pamilyar na mukha na tatlong araw ko nang hindi nakikita. Napanganga ako dahil sa hindi mapigilang pagka-gulat.