02

522 19 2
                                    

Chapter two: Awkward Meeting


Alysson


"Kendrick?"

 Totoo ba to? Bakit andito siya sa france? At sa bahay ko pa talaga?!

"A-alysson? Bakit ka nandito?" Tanong niya

"Aba ako dapat magtanong niyan, bakit ka andito" tanong ko sa kanya emphasizing the word 'ka'

"M-my girlfriend invited me to come over her house" sagot nya

"Hoy wala na ta-"

"Alicia." Sambit nya

Wait. What?! Nagugulahan ako. No. Please, sana mali ang hinala ko

"K-kayo ni ate?" Tanong ko

"Ate mo sya? Aahh kaya pala kaparehas kayo ng apilyedo" sambit nya

Aba isa't kalahating baliw din to eh no

"So that's why she reminds me so much about you"

"Teka, bakit ka nga ba andito!" Sigaw ko

And did I mention that he's half naked?! grabe lang yung abs nya kitang kitaaaaa, my innocent eyes.

"Pinapunta ako dito ng girlfriend ko, natapunan ako ng tubig kanina, sabi nya pumasok lang daw ako sa isang kwarto dito sa second floor na may mga damit. Eh akala ko dito, kwarto mo pala. Saka ilang beses na akong bumibisita dito ngayon lang kita nakita" pagpapaliwanag niya

"Kakarating ko lang dito sa france, nung isang ar-"

Di ako natapos nang biglang bumukas ang pintuan.

"A-ate.."

Tumawa ng mahina si ate "ken?  bakit dito ka pumasok? Eh nasa kabila lang yung sinasabi kong kwarto. Ikaw talaga" sambit niya sabay bigay ng tshirt sakanya. Isinuot naman ito ni kendrick at niyakap sya ni ate.

Masakit parin. Sobrang sakit. Sa lahat ng tao ate ko pa talaga. Pwede namang si kuya. Ay teka huwag mas masakit yun. Pero seryoso ang sakit talaga.

"Ah kain na tayo sa baba, ikaw rin aly sumunod ka na okay." Sambit ni ate at tumango lang ako.

Napaupo lang ako sa kama ko

Nararamdaman ko nang lalabas na ang luha ko pero hindi, hindi siya tumulo. Ewan ko. Hanggang ngayon masakit parin. Nasasaktan parin ako. Hindi ko man lang nasabi sa kanya ang totoong rason kung bakit ko siya hiniwalayan.

I should have introduced my family to him para man lang ma orient sya na kapatid ko yung bagong girlfriend nya.

Napabuntong hininga lang ako at bumaba na.

Nang pababa na ako nang hagdanan, narinig ko ang pinaguusapan ni ate at ni kendrick

"Oh kanina ka pa tulala dyan?" Ate

"A-ah wala, di mo kasi sinabi na may kapatid ka. Napahiya tuloy ako kanina" sagot naman nya

"Sus. Huwag kang mahiya dun mabait yun saka friendly" sambit naman ni ate

Naglakad na ako patungo sa kanila at umupo sa dining table.

Ilang segundo din kaming nagkatitigan ni kendrick pero pinipilit ko talagang umiwas na sakanya. Akoyo. Ayokong bumalik ulit ang feelings ko sakanya. Ayoko nang masaktan. At mas lalong ayokong masaktan ang ate ko

"Iiwan ko muna kayong dalawa dito okay. May aasikasuhin lang ako sandali sa office. Babalik ako agad. Magbibihis lang ako" sambit ni ate at umakyat sa itaas.

Tapos nagka awkward silence, nanaman. As usual, magiging awkward talaga what do you expect? Kasama mo ang ex boyfriend mo sa iisang bahay at ang mas malala, siya ang bagong boyfriend ni ate. 

Ang awkward. Ang awkward talaga

"Kamusta" tanong niya, para narin siguro mawala yung awkwardnesssa pagitan namin

"Okay lang. Masaya na ako" sagot ko nang di man lang tumitingin sa kanya

"Bakit, di ka ba masaya noon?" Tanong nya

aba  wao ikaw kaya ma block mail ng gago mong kapatid na kukunin yung atm card at sasakyan mo kung di kita hihiwalayan sa tingin mo masaya yon

"I mean, masaya pa rin" sagot ko

Ang awkward parin ng katahimikan. Hanggang sa nakarating si ate.

"Una na ako ha, alagaan mo si aly" sambit ni ate at nag kiss sa cheeks ni kendrick

I'm okay. Siguro nga I deserve this pain. Umalis na si ate at naiwan kaming dalawa ni kendrick. Ang awkward ayoko naaaa.

Aakyat na sana ako sa taas nang bigla syang nagsalita

"Alysson, sorry"

Di ko sya tiningnan, nakatalikod parin ako sakanya

"Para saan"

"Di ko alam magkapatid kayo. So-" Di ko na sya pinatapos

"So? Wala akong pakialam. Kahit magpakasal kayo or whatever. Im happy for my sister" sambit ko at umakyat.

humiga agad ako sa kama ko. What the actual f did just happen?!

hindi parin ako makapaniwala na nakita ko ang ex ko. Kendrick. And by the second na nakita ko siya kanina aaminin ko, tumitibok parin puso ko. And that's because of him. I must admit, I still love him. So dumb of me right?

hindi ko na dapat siya mahalin eh. Boyfriend siya ng sister mo alysson ano ka ba respeto naman!

Biglang sumakit ang puso ko, hindi sa oa ako pero oo sumakit siya.

hindi ako makahinga, nanginginig ako. pilit kong kinuha ang gamot ko sa side table ko, buti nalang may glass of water na sa side table ko kaya ininom ko agad yung gamot ko


ayan na naman siya.


sumasakit na naman


layuan mo na ako.


pagod na ako

---


qotd:

ano kayang meron kay alysson? sino kaya ang ibig sabihin niya sa layuan mo na ako?


living with my ex ; s.yhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon