09

239 5 0
                                    

Chapter 9: Success or Fail?

Kendrick's Point of View


"Mrs Cruz, parang awa mo na, hayaan niyo naman po akong makita si Alysson. Mahal na mahal ko po ang anak niyo, nagmamakaawa po ko" pagmamakaawa ko kay Mrs Cruz, gustong gusto ko nang makita si Alysson, miss na miss ko na siya

"ano bang kailangan mo sa anak ko?! I dont think you need money since you came from a rich family, kaya tell me your real intentions Mr. Tan" seryosong sambit niya

"isa lang po ang gusto ko, ang  hayaan niyo po akong mahalin si Alysson." 

hindi siya sumagot

dahan dahan akong lumuhod sa harapan ni Mrs Cruz, wala na akong pakealam. Gusto ko lang makita ang taong mahal ko.

"nagmamakaawa po ako sainyo, mahal ko po ang anak niyo...." pagmamakaawa ko at naramdaman ko nang tumulo ang mga luha ko

"tumayo ka dyan" seryosong sambit niya

tumayo naman ako agad.

"papayagan kitang makita at maalagaan si Alysson." aniya, nabuhayan nman ako sa sinabi niya

"maraming salam--"

"sa isang kondisyon"

"sa oras na gagaling si Alysson, huwag na huwag mo na siyang gagambalain at huwag na huwag ka nang magpakita sa kanya.

hindi na ako nagdalawang isip at pumayag ako, okay na saakin yun. Sa oras na gumaling si Alysson, hahayaan ko na siya, hahayaan ko na siyang hanapin ang taong nararapat sa pagmamahal niya dahil alam kong hindi ako yun



3 araw na mula nung ginawa ko yun at isang linggo nang naka confine si Alysson sa hospital. sobrang mahina na ang katawan ni Aly, at bukas na ang operation niya.

nalalagas na yung mga buhok niya, sobrang namumutla na siya, sobrang naaawa na ako, kung pwede lang magpalit kami ng posisyon gagawin ko eh. Ayokong nakikita siyang nahihirapan.

"huwag kang matakot sa operation mo bukas ha? I know kaya mo yun, huwag kang bibitaw aly.." sambit ko sakanya habang mahigpit na hinahawakan ang kamay niya.


narinig ko namang bumukas ang pinto kaya't napalingon agad ako,

"oh, anidto ka na naman?" mataray na tanong ni Alicia.

tumayo ako at lumapit sa kanya

"Alicia, gusto ko lang mag sorry. Alam kong sobrang laki ng kasalanang nagawa ko sainyong magkapatid, pero nagmamahal lang din ako.." pagpapaliwanag ko

"and so? kailangan mo pa talaga akong gamitin? you're crazy" aniya

"gusto ko lang mag sorry Alicia, maiintindihan ko kahit di mo pa ako mapapatawad, pero sana huwag ka nang magalit kay Aly, wala siyang alam." 

"Kendrick, hindi ako galit sayo. Galit ako sa sarili ko. I'm not putting any hatred on you because I'm not that type of person. Sa totoo lang bilib nga ako sayo eh, kasi harap harapan mong sinabi saamin nina mommy at daddy na ex mo si Aly, bilib ako dahil kaya mo siyang ipaglaban. Pero sana maintindihan mo na hindi ko muna kayang magpatawad ngayon dahil sobrang sakit pa." sunod sunod na sambit niya

magsasalita na sana ako nang biglang tumunog ang life monitor na naka connect kay aly kaya't naging hysterical kami

dali daling lumabas si Alicia para humingi ng tulong habang nilapitan ko si alysson, hindi na ako makapagpigil sa pagiyak

"alysson please huwag kang bibitaw, aly i love youu,...." sambit ko habang iyak parin ng iyak


dali dali namang pumasok ang mga doctors and nurses at pinalabas kami ni Alicia. 

timing naman na dumating si Mrs. Cruz kaya;t natataranta na rin siya sa nangyayari.


lumabas naman ang doctor, "biglang nag 50-50 po ang buhay ng pasyente, kailangan na po natin siyang operahan." aniya


"gawin mo lahat! name your price! pagalingin niyo anak ko!" sigaw ni Mrs Cruz na nag h-hysterical na. dinala naman ng mga nurse si Aly sa ICU.


nasa labas lang kami naghihintay, dumating na rin ang kuya ni alysson at si Kiro, masakit man ay kailangan kong tanggapin na ikakasal na nga si Aly as soon as she's cured. Lumabas ako ng hospital at andun tumambay sa garden, mas nasasktan lang ako habang andun ako.

nabigla naman ako ng may humawak sa balikat ko, lumingon ako at nakita ko si Kiro,tiningnan ko lang siya at di na ako nagsalita..

"alam mo bang mahal na mahal ka ni Aly" sambit niya habang nakatingin ng deretso sa kawalan.


"pano mo naman nasabi yan? eh sobrang paskait na ang binigay ko sa kanya" sagot ko

"alam mo bang ayaw niyang matuloy ang arranged marriage namin dahil mahal ka pa niya? naiinsi nga ako dahil hindi mo man lang yun nakikita. mahal na mahal ka niya kendrick" aniya at tumingin ng deretso sakin.

"mawawala din naman ako, pag gumaling siya aalis din naman ako, dapat ikaw nalang mahalin niya"  sambit ko

"bobo ka rin pala eh, pag ako yung pipiliin niya mas masasaktan lang siya kasi ikaw lang naman ang mahal niya" aniya


ok hindi ako magagalit na sinabihan niya ako ng bobo dahil totoo naman yung sinabi niya.

"maging matatag ka, alam kong nasasaktan ka rin" huling sambit niya at naglakad na siya agad papalayo.


ang bait ng Kiro na yun, at pakiramdam ko siya ang nararapat na lalaki kay alysson, hidni ako.

Nag maneho nalang ako ng sasakyan ko, di ko alam san ako papunta, gusto ko lang muna makapag isa at makapag isip, 4 na oras ang operation kaya't mamayang alas 9, sasabihin na ng doctor kung success or failed and operation kay Aly.


Panginoon, tulungan niyo po si Aly, huwag niyo po siyang hayaan, kahit ako nalang po kunin niyo, huwag lang po siya...


--

A/N:


okay trivia lang, Kiro ang name ng first crush ko hahahahahhah ok bye! 5 chapters nalang! :')

living with my ex ; s.yhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon