03

479 17 6
                                    

Chapter 3: His Side


Kendrick


Inasahan ko naman to eh, ang magalit siya, ang magalit saakin ang taong mahal ko. I was a jerk I know, dapat ipinaglaban ko ang relasyon namin, I shouldn't have just let her walk away that night. Dapat pinigilan ko siya, dapat naniwala akong kaya namin yun.

pero hindi naman pwedeng ako nalang ang lumaban diba? dapat kaming dalawa ang lumaban, but unfortunately, ako lang ang lumaban, kaya nahihirapan ako ngayon, pero kahit gano kahirap, kakayanin at titiisin ko, para sa taong mahal ko, para kay Alysson.

Tama kayo, si Alysson. I still love her, I never stopped loving her.

The night we broke up, the night she walked away and told me he can't love me anymore, I knew exactly why she did that. It's either nalaman ng parents niya, o di na niya talaga kaya.

Ayaw ng parents niyang magka boyfriend siya dahil sa sakit niya, may sakit si Alysson at di niya alam na alam ko

"be, cr lang ako ha" pagpapaalam saakin ni Alysson, nandito kami sa paborito niyang restaurant, at siyempre patago paring nag dedate.  Umalis siya at naiwan ako dun mag isa sa table, bigla namang nag ring ang phone niya kaya't tiningnan ko ito, walang tawag o text.

isa itong alarm na ay nakalagay "medicine" , sabay naman sa pagkuha ko ng phone niya ang paghulog ng isang papel, may nakalagay na St. Luke's Hospital sa sa itaas, tas sa center ng paper may nakalagay

"Abiraterone Acetate"

reseta ata ng doctor sa kanya.. pero bakit sa may ganito? nakita ko naman agad siyang naglalakad pabalik sa table namin kaya't binalik ko agad sa loob ng bag niya ang cellphone at yung papel na reseta ng doctor sa kanya. Pagkalipas naman ng gabi sa araw na yun, nag research ako agad sa gamot na nakita ko sa reseta niya at walang ibang resultang lumabas kundi Cancer. Ilang beses akong nag research, from every angle, every website, pero iisa lang ang lumalabas, isa itong gamot sa cancer. Napapansin ko rin naman yun eh, hindi masyadong malusog si Aly, madalas siyang mahilo, madalas sumasakit yung ulo niya. Pero hindi ko sineryoso yun. Hindi ko naman inakalang sa lahat ng sakit, cancer pa...

 alam kong di pa ganun ka lala ang cancer nya, minor pa lamang, pero kahit ganuh, di ko parin maiwasang mag alala, cancer ang sakit niya, isang nakamamatay na sakit na iilan lang ang nakaka survive.

Sa sitwasyon ko ngayon, isa lang ang masasabi ko, hindi ko mahal si Alicia.

Alam kong mali, alam kong pag nalaman 'to ni Alysson ay magagalit din siya sakin. Pero ganun eh, ganun ko kamahal si Alysson, ipapahamak ko ang sarili ko mapanatili lang siya sa tabi ko. Alam kong kapatid ni Alysson si Alicia from the first place. Niligawan ko si Alicia hindi dahil sa mahal ko siya, kundi para mapalapit ako ulit kay Alysson. Gusto ko siyang makasama parati, gusto ko siyang makita parati, gusto ko siyang bantayan parati, lalo na ngayon sa kalagayan niya, lalo na ngayon na may sakit siya.

Bago palang pumunta si Alicia sa France ay niligawan ko na siya, sinagot niya naman ako agad, isang buwan palang kami nasa relasyon ay niyaya na niya akong sumama sa kanya sa France, tamang tama naman dahil may business din doon ang pamilya ko and since graduate na ako, pinapapunta nila ako ng France to study more about business, kalaban nga lang ng business nina Alysson. Atsaka, alam naman ng parents ko na girlfriend ko si Alicia, girlfriend ko ang anak ng kalaban nila sa business. Pero okay naman sila dahil wala itong kinalaman sa business namin.

Sumama ako kay Alicia sa France and we've decided to live in the same roof para naman may time kami para sa isa't isa. Great, just great. Just Perfect, dahil makakasama ko si Alysson, lagi ko siyang makikita, lagi ko siyang makakasama, lagi ko siyang mababantayan..

Pumunta ako sa kusina para kumain ng breakfast, hindi ko alam kung andiyan pa ba si Alysson o pumasok na siya, si Alicia naman, maagang umalis, busy nga sa business diba.

pagdating ko naman sa kusina, nakita ko si Alysson na nagp-prito ng patties, gagawa ata siya ng burger, napatawa naman ako dahil mukha siyang baliw habang nag p-prito, para siyang nakikipag fencing dun sa niluluto niya habang sigaw ng sigaw ng "aray!" dahil sa mantika,

nilapitan ko siya at kinuha ang spatula sa kanya, "akin na nga yan, maligo at magbihis ka na, malelate ka pa" utos ko sa kanya

"bakit ka andito? akala ko ba umuwi ka na?" tanong niya at halatang nagulat siya

"dito nga ako umuuwi eh, I live here. Well, may bahay naman ang family ko dito sa france but Alicia and I have decided to live together para may time naman kami sa isa't isa" sagot ko sa kanya, hindi naman siya kaagad nakasagot sakin,

"ugh, umalis ka na nga, kaya ko naman eh!" sambit niya sakin at akmang aagawin saakin ang sandok pero since gwapo ako, nakaiwas ako, hahaha.

"tss, ang kulit mo, ako na ngaa" sambit ko sa kanya

"anong tingin mo sakin hindi marunong magluto?!" sigaw niya sakin 

"oo?" sagot ko sa kanya na may 'duh' expression sa mukha ko, napikon naman siya kaya't napatawa ako ng kaunti 

"magbihis ka na kasi dun, ako na bahala dito, baka ma late ka pa eh" sambit ko sakanya. padabog naman siyang umalis sa kusina. "marunong akong magluto!" sigaw niya ulit at tuluyan nang umalis sa kusina, nakakatawa, di parin siya nagbabago, kaya pati pagmamahal ko di nagbabago

ilang minuto din ang lumipas at natapos na siya sa paghahanda, bumaba siya nang naka black pants, black shirt at naka long sleeves polo na red checkered at naka gray converse at naka backpack, ang simple ng suot pero ang ganda niya

inilapag ko sa lamesa yung plato na may dalwang burger at isang baso ng fresh milk, "oh, kain ka na, ihahatid pa kita" sambit ko sakanya, umupo naman siya agad tapos sinamaan ako ng tingin

"boyfriend ka ba ni ate or katulong dito sa bahay? nagluto ka na nga ihahatid mo pa 'ko?" mataray niyang tanong. Okay yun lang naman pinagbago niya, yung medyo pagtataray niya, pero naiintindihan ko naman yun, ang awkward din kasi ng sitwasyon namin.

"huwag nang madaming reklamo, bilin saakin ng ate mo na bantayan kita" sagot ko at nirolyo niya lang ang mga mata niya. Nagbihis ako at pagbaba ko, tapos a siya sa breakfast niya, lumabas na kaming dalawa at sumakay sa sasakyan.

ang awkward ng atmosphere sa loob ng sasakyan, napansin ko naman siya bigla na nakahawak sa noo niya na para bang nahihilo siya "okay ka lang ba?" tanong ko

"o-oo, okay lang ako." sagot niya, pero alam kong hindi totoong okay siya.

nakarating kami sa parking lot ng school niya at bumaba na siya, di man lang nag 'b-bye' saakin, pero okay lang yun.

Naiwan akong mag isa sa sasakyan "sana okay ka lang, sana hindi na mas lumala pa ang sakit mo, sana alagaan mo ng mabuti ang sarili mo, mahal kita..." sambit ko sa sarili ko at nag drive na pabalik sa bahay.


qotd:

bakit kaya hindi marunong magluto si Alysson? hahahahhahahahahahahahahahaha

living with my ex ; s.yhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon