04

447 14 8
                                    

Chapter 4: Hello?


Alysson


I'm going to live with my ex?! wtf, okay hindi parin ako maka get over, habang nasa school ako at nag lelecture yung teacher namin, si Kendrick pa rin iniisip ko. Eh ikaw kaya, kaya mo ba 'yon? Ang manatili sa isang bahay kasama ang nag iisa mong ex?!Tadhana, bakit mo ba 'to ginagawa sakin? 

Natapos ang isang napakaboring na klase, boring kasi hindi naman ako nakinig sa mga teacher ngayong araw, at mas lalo lang naging boring dahil absent ang nag iisa kong friend dito sa campus na si Lexie. Oo isa lang kaibigan ko, hindi naman kasi ako yung palakaibigan na type of person. Kahit tatlo lang maging kaibigan ko sa mundong ito basta totoo, okay na ako dun.

Pag labas ko ng campus ay nakitaa ko agad si Kendrick na nakasandal sa sasakyan niya. Ano na naman ang ginagawa niya dito?! Susunduin ako? Eh pano ako makakamove on niyan kung andiyan sa palagi? Gusto kong maka get over sa kanya, ayokong makita siya, marinig yung boses niya, o kahit yung pangalan niya.

Nasasaktan parin ako, dahil sa lahat ng tao ate ko pa, gusto kong magalit sakanya pero nangingibabaw parin yung pagmamahal ko sa kanya, ganun ko na ba talaga siya kamahal?

Nakita niya ako at sinenyasan na lumapit sa kanya, may choice pa ba ako? Lumapit ako dun sa kanya na may iritableng mukha

"oh ano?" mataray kong tanong

"oh ba't galit ka? meron ka ba?" tanong niya pabalik at tumawa ng kaunti

"tumigil ka nga" sagot ko at binuksan ang pintuan sa front seat kaya't nagpunta na rin siya sa driver's seat. Nagsimula na siyang mag drive at as usual, tahimik parin kaming dalawa hanggang sa nag ring yung phone niya

"babe?"

"pauwi na kami babe"

"bakit?"

"a-ah, oh sige, malapit na kami"

"bye loveyou"

mga katagang narinig ko mula kay Kendick, malamang di ko alam pinag uusapan nila, di naman naka loudspeacker eh. Pero sigurado akong si ate ang kausap niya, malamang sino pa bang ibang babe niya, mahirap naman kung si kuya diba?

Ano kayang meron? bakit parang pinapadali kami ni ate na umuwi? There's something odd

nakarating na kami sa bahay at nauna akong bumaba at pumasok, pero mas nagulat lang ako sa nakita ko.

"m-mom? d-dad?" nauutol ko pang sambit nang makita ko si mommy at daddy na nasa sofa kasama si ate at isang lalaki na parang kaedad ko lang, at mukhang tao naman, may itsura eh.

"I miss you dear!" sigaw ni mommy at lumapit sakin, niyakap ko din si daddy, namiss ko sila sobra, pero hulat parin ako sa mga nangyayari

"oh, he must be your boyfriend? Am I right?" sambit ni mommy kaya't napalingon ako at andun si Kendrick

"No mo-" hindi ako natapos nang biglang nagsalita si ate "yes mommy, he's kendrick, my boyfriend" sambit ni ate at lumapit kay kendrick. Ay oo tama, siya pala girlfriend, akala ko kasi ako kausap, tanga mo Aly.

Umupo na si ate at Kendrick sa sofa kaya't napaupo na rin ako. "biglaan mo ata ang dating nyo mommy?" tanong ko

"bakit ayaw mo ba kaming makita?" tanong naman ni daddy. tss

"hindi naman po sa ganun, nagulat lang po talaga ako, may okasyon ba?" tanong ko, eh feel ko kasi talagang may something eh. Parating busy sa business sina mommy at daddy, minsan lang yan magkatime saamin. Atsaka, sino ba tong lalaking katabi ni mommy

"actually, may reason talaga bat naparito kami.." sambit ni mommy

"yes, at siguradong maeexcite ka Aly" dagdag pa ni ate. Ano ba kasing meron? Papupuntahin na ba nila ako ng Korea mag isa? omg finally! gusto ko na makita mga asawa ko dun, iready ang gown!

"pupunta na ba ako ng korea?" tanong ko na sobrang lapad ng ngiti sa mukha.

natawa naman sila bigla, "no anak, I want you to meet Kiro" 

"your future husband.." dagdag pa ni mommy na ang saya saya pa ng expression sa mukha

"a-ano?!" sigaw ko at napatayo. Alam ko namang may arranged marriage ako eh pero bakit ang aga ata, next year pa nga ako g-graduate eh!

"anak, Kiro is a very nice kid, I'm sure magkakasundo ka-" di ko pinatapos si daddy.

"I don't want to talk about this right now" sambit ko na may pagkakalma sa boses, ayokong taasan ng boses ang parents ko.

pumunta ako sa garden, gusto kong makapag-isa, gusto ko munang mag isip isip. Ano ba 'tong nangyayari sa buhay ko? Bakit parang mas naging complicated lang.

nasa likod lang ako ng bush, nakaupo habang yakap yakap ang tuhod ko at nakayuko, hindi ko na mapigilang umiyak, umiyak lang ako ng umiyak dun, hindi ko na kasi alam ang gagawin maliban na lang sa umiyak. Para naman mabawas bawasan ang mga hinanakit ko, hindi naman pwedeng ngingiti lang ako palagi kahit ang totoo nasasaktan na ako diba?

ilang minuto din akong nanatili dun sa posisyon ko habang umiiyak, hanggang sa may nagsalita

"iiyak mo lang yan" sambit niya. itinaas ko ang ulo ko para makita siya

"bakit ikaw, okay ka lang? bakit hindi ka umiiyak?" tanong ko sa kanya at dahan dahang pinupunasan ako luha ko

"hindi ko naman rin gustong mapasok sa isang arrianged marriage, pero may magagawa pa ba ako? I don't want to let my parents down, gusto kong maging proud sila sa akin, saka wala na naman akong problema sa arrianged marriage, I'm ready to open my heart to anyone, basta't may magandang ugali lang" sagot  ni kiro at ngumiti, napangiti rin ako sa sinabi niya.

ang bait niya, kaya niyang isakripisyo ang sarili niyang kaligayahan para maproud lang ang parents niya, bilib ako sa kanya, at mas bumilib ako nung sinabi niyang I'm ready to open my heart to anyone basta't may magandang ugali lang

nakakatuwa kasi wala siyang pakialam sa looks, basta't mabait lang okay na sakanya. Kung tutuusin dapat matataas standards nitong lalaking 'to kasi gwapo siya, ang kisig ng katawan, hindi masyadong maitim, di rin masyadong maputi, sakto lang, matangos ang ilong, basta gwapo talaga siya tapos ang bait pa.

feeling ko tuloy ang swerte ko at siya ang magiging ka arranged marriage ko. Pero pano ba yan? mahal ko pa rin si Knedrick. Mahal na mahal ko parin siya

"huwag ka nang umiyak, kung ayaw mo sa kin okay lang, naiintindihan ko naman" sambit niya at niyakap ako, wala akong nagawa, niyakap ko rin siya pabalik at napaiyak na rin, tapos kumawala na rin sa yakap

"salamat kiro ha, ang bait mo" sambit ko sa kanya t ngumiti sabay tayo. In-offer ko naman ang kamay ko sakanya para makatayo siya.

nagulat naman kaming dalawa nang biglang may nagsalita kaya't napalingon kaming dalawa.

"tapos na kayo? pinapapasok na kayo sa loob" sambit niya habang blank yung expression sa mukha

anong problema ng Kendrick na yun?


--

qotd:


Kendrick or Kiro? hmmm

living with my ex ; s.yhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon