08

242 6 0
                                    

Chapter eight: Prevailing The Truth

Alysson



It's friday, yess weekend na naman bukas. Nakarating na ako ng bahay, galing school. Pagpasok ko sa loob andun naman si ate, mommy at daddy, pati na rin si kuya andrake kaya't nagulat ako. Anong meron?

"ma? pa? kuya? naparito kayo?" tanong ko at lalapit na sana sakanila para yakapin sila nang biglang lumapit si ate saakin at sinampal ako.

gulat na gulat naman ako, sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

oh no--

don't tell me alam na ni ate.. Don't tell me alam na nila

"kailan ka pa natutong magsinungaling at magtago ng sekreto ha?!" sigaw ni ate sakin na parang naiiyak din.

Automatic naman na bumagsak ang mga luha ko.

"nagpapakahirap ako sa trabaho tas kayo nagpapakasap, naglalandian dito sa bahay ko?! bakit di mo sinabing naging boyfriend mo si Kendrick ha? para ba di ko siya paalisin dito at makapaglandian pa kayo ng mas matagal? ang kakapal ng mukha niyo!" sigaw ni ate at akmang sasampalin ulit ako ngunit pinigilan siya ni kuya

hindi parin ako tumitigil sa pag iyak. Sobrang nasasaktan ako, physically, emotionally, mentally, hindi ko na alam, pero siguro nga I deserve this.

"Tama na yan!" sigaw ni mama

kumawala naman si ate sa higpit ng pagpigil ni kuya sa kamay niya. "I never though you'd be the one to hurt me this way Aly" sambit ni ate at umakyat na sa taas, di man lang ako nakapag sorry.

lumapit saakin si mommy at daddy

"m-mom, d-dad, I'm sorry.." sambit ko habang di parin tumitigil sa pag iyak

"since when did you learn to keep secrets from us, alam mong higpit na ipinagbabawal ko ang pagkakaroon mo ng relationship not just because of your arranged marriage. But because of your health."

yumuko nalang ako,

"do you still love him?" tanong ni dad

hinarap ko sila "i-im sorry..."

then sinampal ako ni mommy. "He's your sister's boyfriend. How could you!" sigaw ni mom

hindi na ako nakapagpigil

"kasalanan na bang magmahal ngayon ha?! Bakit pati puso ko dinidiktahan niyo? unang naging akin si Kendrick at mahal na mahal ko siya!" sigaw ko

"s-sorry" nag apologize naman ako agad nang ma realize ko na napagtaasan ko ng boses ang parents ko.

"and because of that, your wedding with Kiro will be next week, no buts, sumunod ka o kalimutan mong may pamilya ka pa" kalmadong sambit ni mommy at lumabas na sila ni daddy.

napaupo nalang ako sa sahig, iyak parin ng iyak, paano ba nila nalaman?!

niyakap naman ako ni kuya,

"we just want what's best for you aly" aniya

"best parin ba kahit nasasaktan na ako? ayoko na kuya, sobrang sakit na" sambit ko

hinigpitan lang ni kuya ang yakap niya saakin.

bigla naman akong nakaramdam ng pagkahilo kaya't napahawak ako sa noo ko

"okay ka lang?" tanong ni kuya

"o-oo.." walang ka buhay buhay kong sagot.

"sigurado ka b-- Alysson!!!!"


then everything went black.


-----


Kiro's Point of View


nagulat parin ako nung sinabi ni mama na next week na daw ang magiging wedding namin ni Aly. Hindi parin ako makakapaniwala, hindi ko nga alam kung alam ba yun ni Alysson eh.

Kagabi ko pa siya tinatawagan eh di naman sumasagot, ano na kayang nangyari sa pikon na yun?

bigla namang nag ring ang phone ko,


Mrs. Cruz Calling....

hello mrs cruz?

kiro? tulungan mo kami

parang siyang umiiyak,

ano pong problema Mrs. Cruz

Si Aly nasa hospital, lumala na ang sakit niya pumunta ka dito Kiro, my daughter needs you

po?! a-ah, sige po, p-papunta na po ako diyan!

natataranta na ako. anong lumala na ang sakit ni Aly? eh wala naman akong maalala na sinabi niyang may sakit siya

aish, babaeng to talaa, ang daming secreto!

bilis kong kinuha ang car keys ko at pumunta sa parking lot ng bahay.

Bilis kong pinatakbo ang kotse ko at sobrang higpit ng pagkahawak ko sa manibela

kinakabahan ako, ano na kayang nangyari kay Aly? Sa tono palang ng boses ni Mrs. Cruz ay parang sobrang malungkot na siya. Ano ba kasing klaseng sakit ang meron si Aly?

"ah!" sigaw ko in frustration.


Panginoon, huwag niyo na po munang kunin si Aly, kahit hindi ako ang makatuluyan niya, kahit hindi ako ang mahal niya okay lang basta huwag niyo po siyang kunin. Mahal na mahal ko po siya ayoko siyang masaktan. Akala ko siya na yung rainbow sa there's always a rainbow after the rain. Sobrang nasaktan na ako kay clare, alam kong masasaktan din po ako kay Alysson dahil hindi ako ang mahal niya, pero mas masasaktan po ako kung kukunin niyo na siya...


Nakarating na ako sa hospital at nagtanong agad ako kung asan naka confine si Alysson.


pumunta ako sa isang private room, at andun, nakita ko si aly, sobrang namumutla, at walang malay,

lumapit ako agad sa kanya at di ko na napigilang umiyak

"a-alysson.." mahinang sambit ko habang hawak hawak ang kanang kamay niya.

"may brain cancer si Aly, Kiro sorry di ka namin sinabihan agad, stage 3 na siya, ayaw niya kasing magpa chemo therapy, hindi naman namin inakalaang aabot sa ganito kalala ang cancer niya" pagpapaliwanag ni Mrs. Cruz na mangiyak-ngiyak pa.


humarap ako ulit kay aly at mas hinigpitan ang paghawak sa kamay niya



"magpakatatag ka aly, huwag kang bibitaw, kaya mo yan..."



To be continued...

living with my ex ; s.yhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon