11

255 6 1
                                    

Chapter eleven: Heartbreak

Alysson


nakaabot na kami ni Reyli sa bora, super nakakapagod ang biyahe pero worth it naman, nakita ko agad mga high school homies ko! hahaha

tumulong ako sa pag dedesign ng lugar, sa stage, sa chairs, tables, and all, boring din kasi pag naka upo lang ako dun habang pinapanood ko silang mag arrange diba?

ang daming bumati sakin, ang iba gulat sa comeback ko, hahaahha pero masaya naman sila. Sobrang nakakamiss nga talaga ang pinas!

madaling lumipas ang araw and it was already night time, ilang minutes na lang ay magsisimula na ang party, ang reunion ng Harrison univerrsity na isa sa mga pinakamamahal kong univerities dahil sobrang dami kong memories sa university na yan.

kumuha naman ako ng drink dun sa may table dahil nauuhaw ako, paglingon ko naman ay parang nakita ko si Kendrick na naglakad kaya't tumakbo ako para sundan siya pero di ko na siya nakita. Hindi naman impossibleng andito din siya diba? Sa Harrison university din siya nag aral, so malamang sa malamang andito din siya, kung sumama nga siya.

naramdaman ko naman ang mabilis na tibok ng puso ko, mahal ko parin siya..

"Let's get this party started!" malakas na sigaw ni Reyli na nasa harap ng stage, nag play naman ang isang napaka lakas na music at  nagsayawan ang lahat, napaupo naman ako dun sa gilid, para akong nawalan ng mood bigla na mag party.


nilapitan naman agad ako ni Reyli na may hawak na drink. "party ka na Aly! anong hinihintay mo dyan?" tanong niya

"o-oo, mamaya na sigurp, sumama pakiramdam ko eh" palusot ko

bigla naman siyang nataranta

"ha?! masakit ba ulo mo? nahihilo ka ba? tell me!!! I'll call your ate and kuya" natataranta niyang sabi

"magaling na ako! wala na akong cancer wag kang mag alala, nawalan lang talaga ako ng mood" pagpapaliwanag ko

"kinabahan naman ako dun! sabihin mo kasing wala ka sa mood hindi yung masama ang pakiramdam mo, nataranta tuloy ako!" sigaw niya, bahagya ko lang siyang tinawanan.

"oh, enjoy ka lang ha?" aniya at umalis na din kaya't napatango na din ako.

nakita ko naman si Kendrick na para bang naglalakad doon sa seaside kaya't bilis akong tumakbo patungo sa kanya, hindi ako pwedeng magkamali, si Kendrick nga yung nakita ko!


buti naman at naabutan ko siya, hinawakan ko agad ang balikat niya, "kendrick!" sigaw ko habang hawak hawak yung balikat niya

"kendrick kausapin mo naman ako oh" dagdag ko pa

hindi parin siya lumilingon

"kendrick please..." 

sa puntong iyon, dahan dahan naman siyang lumingon..

"K-kendrick" mahinang sambit ko at niyakap ko siya, hindi ko siya naramdamang yinakap ako pabalik pero wala akong paki, basta namiss ko siya, miss na miss ko siya.

kumawala naman ako agad sa yakap 

"kamusta ka na? miss na miss na kita.." sambit ko at ngumiti

"sino ka?" tanong niya

ha? anong problema niya? nagkaamnesia ba siya

"h-haha, kendrick, nag j-joke ka ba?"  tanong ko

"ako to! Si Alysson! Ang taong sinabi mong mahal na mahal mo, di mo na ba ako maalala?" tanong ko at unti unti nang tumutulo ang mga luha ko. Bakit di na niya ako maalala? pinaglalaruan niya ba ako? Bakit siya ganyan? Huling sinabi niya sakin ay magpakatatag ako at huwag na huwag akong bibitaw dahil mahal na mahal niya ako. Anong nangyari sa kanya ngayon?

bahagya naman siyang tumawa "huh, mahal na mahal kita? grabe di ko maalalang sinabi ko yan" aniya

naramdaman ko namang sumikip ang puso ko, sobrang sakit ng sinabi niya

di ko maalalang sinabi ko yan

"a-anong problema Kendrick?" tanong ko at hindi parin makapagpigil sa pag iyak

"matagal na kitang inalis sa isipan ko kaya tumigil ka na" aniya

nakita ko naman agad ang couple bracelet namin noong kami pa na suot suot niya ulit.

"yan! yang sinusuot mo! couple bracelet natin yan diba" 

tiningnan niya naman ito, hinubad at inihagis sa dagat "yun lang pala, huwag kang mag alala tinapon ko na, ngayon pwede ba? tigilan mo na ako?" sambit niya at tumalikod, napaupo naman ako doon sa sand habang iyak ng iyak

"nga pala, sinabi ko bang mahal kita? tss, bobo ko naman at sinabi ko yun" dagdag pa niya at naglakad na papalayo kaya't mas nasaktan lang ako

sumikip lang lalo ang puso ko at hindi na tumitigil sa pagpatak ang mga luha ko

tumakbo ako ng mabilis patungo sa rest house namin dun, nagmukmok lang ako doon sa kwarto,

"aaahh!!!" malakas na sigaw ko habang iyak parin ng iyak, sinsapak ko ang puso ko dahil ang sakit, gusto kong tumigil na siya kanina pa siya naninikip eh

"tumigil ka na! ano ba! hindi ka na niya mahal!" malakas na sigaw ko sa sarili ko habang sinasapak parin ang dibdib ko

ang sakit, sobra

iyak lang ako ng iyak doon hanggang sa di ko namalayang nakatulog na ako...


---

A/N:

ohmygad last chapter na talaga ang susunod ok nmn hahahahhaha



living with my ex ; s.yhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon