Isda

726 5 11
                                    

Hindi lahat ng isda sa mga pamilihan ay nabibili at naidadala sa mga kusina upang makain. May mga nabubulok din, kahit ito pa man ay bangus, tilapia o hito. Dahil ang mga ito ay mga wala ng silbi sa mga nagtitinda ay itinatapon na lamang sa basurahan at kinakain ng mga ipis at daga.

Hindi katulad sa mga hardinero na nag-iipon ng mga bulok na karne, gulay at isda. Binibilad niya ang mga ito sa arawan hanggang sa matuyo. Saka niya dudurugin at pagpipira-pirasuhin ang mga ito at inihahalo sa lupa upang maging pataba sa mga halaman ng kaniyang hardin, nang sa gayon ay mamunga ng masagana ang mga ito.

Haynayang ParabulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon