Ang Pari, ang Mangangalakal, ang Tagapaglingkod at ang Alipin

507 5 0
                                    

Sa isang sitio, may dalawang malawak na palayan ang matatagpuan na pinaghihiwalay lamang ng isang mataas at mahabang bakal na rehas. Ang palayan sa dakong hilaga ay pagmamay-ari ng isang pari at natatanging anak ng isang marunong at makapangyarihang raja habang ang palayan sa timog ay pinapamahalaan ng isang sikat na mangangalakal na nag-ugat mula sa Maynila. Parehong luntian ang dalawang palayan sa buong taon at pareho ding masagana ang ani sa mga panahon. Pareho din ang harang na nagtatakda sa mga hangganan na ito. Sa harang na bakal, doon din nagkatagpo ang dalawang manggagawa buhat sa dalawang magkabilang palayan.

"Magandang umaga, kaibigan!" maligayang bati ng manggagawa ng palayan ng pari.

Nginitiian lamang siya ng manggagawa ng palayan ng mangangalakal at tumalikod. Tumuloy ito sa kaniyang gawain. Nagulat ang manggagawa ng pari sa sagot ng manggagawa ng mangangalakal. Tumungo na lamang siya sa kaniyang mga gawain. Sa sumunod na araw, natagpuan ng manggagawa ng pari ang manggagawang nakita niya noon sa kabilang bakod. Binati niya ito muli at umupo malapit sa kaniya.

"Bakit ka laging masaya kung ikaw lamang ay isang alipin ding tulad kong umaga at gabing gumagawa sa palayan?" Tanong ng manggagawa ng mangangalakal.

"Kaibigan, hindi ko alam ang sinasabi mong alipin. Kahit kailan ay hindi kami tinuring ng aming tagapamahala na alipin bagkus ay tinuturing niya kami bilang mga kapatid," tugon ng manggagawa ng pari. "Alam ng aming tagapamahala ang hirap ng isang alipin dahil ninakaw sa kaniyang ama ang lahat ng pagmamay-ari niya at inalipusta an kaniyang buong pamilya. Mahabag siyang naging tagapaggawa ng mga bahay sa kaniyang kabataan hanggang dumating ang panahon na nagpasya siyang magpari at pumunta sa iba't ibang bayan upang maglingkod sa Diyos at kunin din isa-isa ang mga ninakaw sa kaniyang ama. Sa kaniyang ginagawa ay marami ang sumunod sa kaniya na dati ring inalipusta at naging alipin. Sila rin ay naging mga manggagawa tulad ko dito sa kaniyang palayan."

"Kung gayon, nais ko rin sanang sumama sa iyo, maglingkod din sa iyong tagapamahala ngunit maaring patayin ako ng aking tagapamahala. Kahit kailan ay hindi ako nakaranas ng kasiyahan sa kaniyang pamumuno, kasiyahang nag-uumapaw ng tulad ng sa iyo. Umaga at gabi kaming pinapahirapan sa gawain."

Patuloy ang pagbabahagi ng dalawa ng kanilang kwento sa isa't isa at bumalik muli sa kanilang sariling gawain. Dumating an gabi at naghanda ang pari ng isang piging para sa kaniyang mga manggagawa dahil sa tagumpay niyang malapit na maibalik ang lahat ng pagmamay-ari dati ng kaniyang ama.

"Nagpapasalamat ako sa pananatili ninyong tapat sa paglilingkod sa akin. Ngayon kayo ay kumain at sa pagsikat ng araw, ang palayan sa timog ay maibabalik na para sa aking amang raja. Ninakaw ito at pinagpatanim ito sa mga ginawang alipin ng magnanakaw. Bukas ay susugurin siya ng governador general at ipapakulong," nagwika ang pari sa lahat ng kaniyang mga manggagawa.

Lumitaw ang buwan at mga tala at lumipas ang gabi. Sumikat ang araw at natupad ang sinabi ng pari. Dumating ang governador general at dinakpi ang mangangalakal na sisabi ring nagpahirap sa pari at nagnakaw ng ari-arian sa raja. Pinatawag ng pari ang kaniyang mga manggagawa at pinasira ang bakal na bakod. Kumuha ng mga bagong damit ang pari at ipinamahagi ito sa mga alipin ng mangangalakal. Itinuring niya itong katulad ng kaniyang mga tapat na manggagawa at pinatuloy sa kaniyang tahanan at pinakain sa isang piging. Ang mangangalakal ay kinulong sa bilanguan ngunit ito ay tumakas at nagpakalayo-layo sa ilang ngunit nabalitaan na lamang na siya ay kinain ng mga mabangis na hayop.

Haynayang ParabulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon