Seresa

459 2 0
                                    

Isang puno ng seresa ang nakatayo at naniningkad sa luntian nitong mga dahon. Walang kawangis ang mga dahon nito kumpara sa ibang mga puno, kung kaya't mahal na mahal nito ang kaniyang mga dahon. Dumating ang panahon na unti-unting natuyo at nalagas ang mga dahon nito. Paisa-isa ang nalalaglag. Padalawa-dalawa, pasampu-sampu hanggang sa maubos ang mga ito. Labis na nalungkot ang puno hanggang sa mabalutan ito ng yelo. Dumating ang tagsibol. Hindi tumubo muli ang mga dahon ng seresa, sa halip namukadkad ang mga maputing mapusyaw na rosas na mga bulaklak nito. Nagliwanag hindi lamang ang mga sanga ng puno, pati rin ang buong paligid habang iniihip ng hangin ang mga talulot nito kung saan-saan. Paisa-isa, padalawa-dalawa, pasampu-sampu at hanggang sa mabalot ang paligid ng mga talulot. Dumating din ang panahon na sumibol ang mga bago nitong mga dahon kasama ang matatamis nitong bungang punong puno ng kaniyang mga buto na handang maging puno ng seresa.

Haynayang ParabulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon