Kangkong

368 4 1
                                    

Maraming tao ang tinutularan ang kangkong sa kabila ng pagiging pangkaraniwan nito.
May kakayanan ang mga talbos ng kangkong sa ihalo sa maraming uri ng lutuin. Binabagayan nito ang maasim na sabaw ng sinigang. Naihahalo rin ang mga ito sa alat ng toyo na sinamahan ng bawang at sibuyas. Kaht rin sa malinamnam na sarsa ng talaba, napupuno ang kaloob-loob ng mga talbos ng lasang inilalagay sa mga ito ng tagapagluto.
Nabubuhay lamang ng napakasagana ang mga kangkong kung ito ay nakatanim sa Lawa o sa lugar na masagana at marami ang tubig. Gumagapang ang mga sanga nito at nagsisibol ng maraming talbos. Habang bata pa ang talbos, padadaluyan ito ng sanga nito ng tubig at sustansya na nanggagaling sa Lawa sa tulong ng malalagon ugat. Kapag naging magulang na ang talbos, tutubo ang mga ugat na ito at magsisimula ng sumipsip ng tubig mula sa Lawa. Dito magsisimulang lumago at magsisibol ng mga panibagong mga talbos na gagapang sa Lawa. May pagkakataon ding ang ibang sanga na nagkaugat na ay humihiwalay sa pinanggalingang kapwa sanga nito upang ito at ay tumubo sa ibang dako ng Lawa. Doon ito lalago at magpaparami.

Haynayang ParabulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon