Chapter 14 Modeling

251 6 3
                                    

Chapter 14

~Clyde’s POV~

Bzzzt… bzzt…

From: Bro Trace

Subj: G*go ka Bro! Ginasagasan mo si Red, F*ck you!

Napangiti naman ako sa natanggap kong text from Trace. Today’s Wed pero ngayon niya lang nalaman yung tungkol kay Red (lakas din ng tama nun pinangalanan pati ang motor niya tss). Pasalamat pa nga siya dahil gasgas lang ang ginawa ko sa motor niya, muntikan ko na yung ipark sa No Parking Zone para kaladkarin ng mga MMDA pero dahil Bro ko pa rin naman si Trace wala akong magagawa.

Every Wed niya nilalabas si Red for warm-ups kaya maaga akong pumasok ngayon para takasan siya. I know childish act. Pero hapon na rin pala siya magigising and as I know him hindi siya pumasok sa morning classes nya tsk  lagot yun kay Manager.

Nagkaklase kami ngayon pero okay lang na gumamit ng phone sa klase, I don’t know hindi naman nila ako pinipigilan eh.

Napatingin naman ako sa katabi ko na mukang zombie sa laki ng eyebags habang naka-ubob, nakapikit at naglalaway pa.

“dress… gowns… *drools*… cocktails” napailing na lang ako “aray” napatayo siya habang nagkakamot ng ulo.

“What’s the problem Ms. Valdez?! And who told you that sleeping inside the class isn’t prohibited?!” sigaw ni Prof kay Ash “also with the two of you Ms.  Padillo and Ms. Ong, akala niyo ba hindi ko mapapansin ang pagpikit ng mata niyo during my class?! You want sleep huh?” sigaw naman niya dun sa barkada ni Ash

“pack your things up and GET OUT!!!”

“Ash kasi eh” sabi ni Sophie na parang bad mood, yung Lexi naman binigyan si Ash ng death glare

“sorry girls” ngumiti naman si Ash at nag-peace sign pa

Sa kalagitnaan ng pag-eempake nila paalis, may dumating na student assistant at may inabot kay Prof na sulat na binasa niya ito

“you’re this lucky Ms. Valdez, you and Mr. Willson are both excused report to the College Office now” tumingin sakin si Ash na parang nagtatanong kung para saan ang excuse letter. Sinama pa talaga ni Trace si Ash.

Niligpit ko na ang gamit ko and I started to walk outside. Naramdaman ko ang pagsunod ni Ash sa likod ko.

“Clyde bakit tayo excused?” tanong nito ng sabay na kaming naglalakad

“ask Trace” yun lang ang sinabi ko at tumahimik na siya pero kita sa mukha niya ang confusion

Nang makarating na kami sa College office pinapunta na kami sa parking lot and there I saw the devil sitting comfortably on Manager’s van, he emit a dark aura nung nakita niya ako pero bigla itong ngumiti na malapad ng sumulpot sa likod ko si Ash.

“nice to see you Ash” ngiting salubong ni Trace dito

“ah, hehe excused ka rin ba? May pupuntahan ba kayo ni Clyde? Bakit excused din ako?” hindi mapakaling mga tanong ni Ash

“Remember dati? Nung nag-promise ako sayong dadalhin kita pag may project kami, so that’s today!” Trace

“eh? Talaga? Wow pero di ba may pasok?” tanong nanaman nito

“that’s why we’re excused” sabat ko hindi ba niya gets? Tsk.

“ow, hmm..” tapos parang may iniisip siya “pwede bang magsama ng iba pa? please may atraso lang ako dun sa dalawa eh tsaka dapat kasama nila ako ngayon sa punishment, please…” nagpapa-awa pa ito sa harap ni Trace

Catwalk ♦hiatus♦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon