Chapter 16 Intrams part 2

228 7 2
                                    

~Ash’s POV~

It’s only been 3 minutes pero parang isang araw na kaming nakatitig sa isa’t isa, no one bothers to speak. Pero I heard him right diba? He is jealous?

“Ha-ha” pilit kong tawa para mawala ang nakakabinging katahimikan dito ang awkward kasi eh “line ba yan sa bagong movie nyo?” I know epic excuse >_<

Tiningnan niya ako na parang disappointed siya, what? May problem ba?

“That’s not a line tss…” he said looking away from me.

Huh? Ibig sabihin—

“eh b-bakit ka n-nagseselos?” nangangatog kong tanong sa kanya

Pero lumipas ang panibagong tatlumpong segundo ng katahimikan habang siya ay nakaupo sa sahig at ginugulo ang buhok niya. Magsasalita na sana ako kasi parang wala siyang balak magsalita pero narinig ko ang malalim na pagsinghap niya.

“actually Ash I have something to tell you…” kumalma na ang pagsasalita niya ngayon, hindi na siya nasigaw, nabulong pa nga siya, nakaupo pa rin siya habang nakasandal sa pader nitong locker room niya.

Gusto ko sanang tumugon at itanong kung ‘ano yun?’ pero parang kinabahan ako bigla. Kaya binigyan ko na lang siya ng nod para magpatuloy siya sa pagsasalita.

*dugdug dugdug* ambilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba, ewan ko kung bakit

“I want to tell you that” I can see deep sincerity in his eyes, he balled his fist “that I” binigyan ko siya ng confused look

*KPOP Ringtone here*

Napatalon ako sa tunog at vibrate ng cp ko, dali-dali ko itong kinuha mula sa bag ko, to see Myka calling… *answers*

“KYAAH! Ash ang bait bait ni Kuya Leo tapos…” then nagkwento na siya tungkol sa interview niya kay Kuya ng walang tigil, sinulyapan ko ng tingin si Clyde na napatayo din pala at mukhang… frustrated? “Hello Ash? Asan ka ba? Kain na tayo sa pub, gutom na ako eh” dire-diretso niyang sabi.

“Sige may pinuntahan lang ako saglit, kita na lang tayo sa labas ng gym” sabi ko sa kanya.

“OWKEI see yah!”

“see you too” binaba ko na ang phone at hinarap si Clyde

“Mamaya mo na lang siguro sabihin yung sasabihin mo, hinahanap na ako ni Myka eh” inayos ko ang gusot sa uniform ko dahil sa pagkaka-upo ko kanina “sige mamaya na lang” paalam ko sa kanya. Naglakad ako papunta sa pinto at nang hawak ko na ang door knob ng kwarto niya, bigla siyang nagsalita.

“I-I like you Ash” pabulong niyang sinabi, teka parang nabibingi ata ako, did he just say ‘I like you’? tapos may kadugsong pang name ko, no way...

“a-ano?” tanong ko, mahirap na mag-assume.

“I said…” napasabunot siya sa buhok niya na tipong hindi mapakali “ugh..” he groaned in frustration “I’m sorry” kinuha niya yung bag niya sa upuan at naglakad. He walked passed me at dire-diretso siyang lumabas ng room niya. Leaving me standing alone, he left me with so many thoughts in my mind. Tama ba ang una kong kinig sa kanya, that he likes me? Bakit muka siyang bothered? And most of all, bakit siya nag-sorry?

Unknowingly, napakapit ako sa dibdib ko, bakit ganto ang bilis ng kabog ng dibdib ko?

Nalulunod ako sa mga tanong na nasa isip ko, kaya’t hindi ko na namalayan na nakalabas na pala ako ng gym.

“DITO ASH!” sigaw ni Myka habang kumakaway, nginitian ko siya at lumakad na ako papunta sa kanya.

“San ka ba galing? Ba’t antagal mo? ‘Yan tuloy hindi mo naabutan si Kuya Leo na…” good thing na na-divert ang atensyon ni Myka kay Kuya Leo habang papunta kami sa pub.

Sobrang tagal ko kumain plus distracted pa ako kaya nagpaalam na si Myka para mauna na sa pagpunta sa Gym A at mag-cocover pa siya. Kaya nung natapos ako kumain sa pub at may konting time pa naisipan kong daanan si Lexi sa SC office nila.

Naabutan ko si Lexi na busy’ng busy sa pagtatally ng scores sa board ng SC Room. Tatlo lang silang students dito. Kaya nung kumatok ako napatingin silang lahat.

“hello, lunch?” bati ko sa kanila habang pinakita ang dala kong plastic bag, nginitian nila ako at kinuha ni Ms. PRO yung dala ko.

“thanks for this Ash” sabi niya sa akin, friend kasi yan ni Lexi dito kaya nakilala rin ako, lumapit naman sa akin si Lexi.

“Having a hard time?” bati ko kay Lexi saka ko niyakap

“hard time is an understatement” sabi niya sa akin.

~LEXI’s POV~

Dinalhan kami ni Ash ng pagkain dito sa SC room. Nag-insist ako na kumain siya pero sabi niya nakakain na daw siya at magpapalipas pa daw siya ng oras dito kasi 1pm pa lang ngayon at mga 1:30pm pa daw siya pupunta sa Gym B para magcover ng preparation at game.

“Problem?” pansin ko sa kanya kasi parang kanina pa low ang dapat na hype na aura niya

“w-wala naman, b-bakit?” sabi niya habang pinapaikot sa kamay niya yung nakita niyang ballpen sa table dito sa room. I know Ash, at ginagawa niya ang habit niyang yun kapag hindi siya mapakali.

“Alam kong may problem ka Ash, what is it?” sabi ko sa kanya, hindi naman kami kinig nung co-members ko dahil nasa opposite side sila ng room kumakain.

“Haay, pano kapag..” nag-aalinlangan siya kung sasabihin ba niya o hindi

“kapag ano?”

“Kapag… haixst wala naman pagod lang siguro ako” tapos umobob siya dun sa table namin. Di ba nga sabi ko kilala ko talaga yan, kaya alam kong may gusto yang sabihin pero nahihiya lang, kaya inunahan ko na.

“You know what Ash? Kung may gumugulo sayong bagay, learn to ask” sabi ko sabay subo ng pagkain.

“Ask?” tanong niya at napa-ayos pa ng upo.

“Yes, ask him… I mean ask the person involved” muntikan na ako dun ah buti hindi naman niya pansin

“Nang ano?”

“Nang kung ano ang bagay na nasa isip mo, para ma-clear situation mo” advise ko sa kanya

“Hmm, eh pano kung hindi ko inaasahan ang sagot niya?”

Nilumod ko muna ang pagkain ko bago magsalita “then learn to accept the truth” I said simply. Hindi siya sumagot at parang nag-iisip pa, slow talaga pero mahal ko pa rin yan friend ko yan eh, kahit slow XD

“firstly, focus ka muna Ash sa pagco-cover ngayon, don’t make it bother you muna” sabi ko pa.

Nagnod naman siya at tumayo saka ako niyakap. Not to mention nang NAPAKAHIGPIT.

“Waah thanks talaga Lexi I’ll take your advise, I gotta go na bye” tapos umalis na siya.

And for your curiosity yes, alam ko ang nangyayari kay Ash at… Clyde. I don’t know about Ash pero sa tingin palang ni Clyde kahit habang nasa klase kami parang may iba. Lalo ko yung napatunayan ng marinig ko silang mag-usap sa Locker Room sa Gym, pinapunta kasi ako dun kanina ni Pres para sa checking of needs ng players and I accidentally overheard them.

I’m Happy for Ash kasi alam kong kahit hindi pa siya aware sa feelings niya (kasi slow nga XD) alam kong dun din yun mapupunta. I just wish na hindi siya masasaktan pero syempre sa isang relationship hurting is inevitable.

a/n: I'm back! as promised i will finish this story! thanks for the wait...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Catwalk ♦hiatus♦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon