Chapter 15 Intrams

255 9 7
                                    

Chapter 15

~Ash’s POV~

*pak* kamot

*pak* kamot

Bakit ba ang daming lamok sa kwarto ko?

Napatingin ako sa bintana sa side ng kwarto ko, OMO naiwan ko palang bukas ang bintana ng kwarto ko haixst yung AC kasi dito sa loob ay nasira kahapon, sabi ni Dad mamaya daw dadating yung mag-iigi eh.

Nakita ko yung calling card na binigay sa akin nung colleague ni Mom from the other day, TSS Company. Kung tanggapin ko ang offer niya same Company ako with Trace and Clyde and of course nung Coleen Iverson na yun. Pero i pushed that thought away, NAH it isn't the right time pa.

5minutes before 6am, tumayo na ako at nagsimulang maligo at magbihis, bumaba na rin ako at nag-almusal. Hinatid ako ni Dad sa school around 7am, at nakita ko ang malaking banner sa labas ng university namin, sheesh Intramurals Day nga pala ngayon.

Dali-dali akong pumunta sa pub office, and to my surprise bukas ito pero walang tao may note na naka-post sa announcement board. Nakita ko ang pangalan ko, naka-assign pala ako sa table tennis, si Myka naman ay Basketball, and yeah magko-cover kami ngayon bukod kasi sa pagiging lay-out artist ko, additional writer din ako kapag intrams kasi konti lang ang members ng Journ Club para ma-cover ang simultaneous contests ngayong araw.

Pumunta ako sa Gym B, kasi dun gaganapin ang Table Tennis Match, sakto namang katatapos lang ng Cheering Competition.

“ASH!” sigaw ni Sophie habang kumakaway mula sa bleachers ang cute niya muka siyang living doll.

“HI SOPHIE!” sigaw ko rin sa kanya. Sinenyasan ko naman siya na-itetxt ko na lang siya mamaya, nag-ok sign naman siya.

Pumunta ako sa bleachers para manuod ng table tennis match, naku buti na lang nakapag-research ako ng konti tungkol sa mga players ngayon. After the first 2 matches, natalo ang boy representative namin, di bale andyan pa si Ate Zen, 3rd year MAPEH Major siya and naka-abot na siya sa Regionals last year.

After an hour as expected naka-abot siya sa final match.

“The final match for table tennis will be held in Gym B at 2pm, competitors may rest now” announce sa stage. Bumaba na ako para interviewin si Ate Zen, approachable naman siya kaya madali ko siyang na-interview ngiti nga siya ng ngiti eh.

“God Bless po ate” sabi ko sa kanya.

“Sige thank you” at umalis na siya.

Kinuha ko yung phone ko at tinext si Mr. EIC para magreport, stand by daw muna ako until 2pm T__T 10am pa lang kaya, si Mr. EIC talaga.

*insert KPOP RINGTONE here*

Myka calling…

*answers*

“Hello?” pagsisimula ko.

“HELLO ASH, tapos ka na magcover?” tanong ni Myka

“OO pero meron pa mamayang hapon” sagot ko, teka parang ang ingay sa background niya buti at naiintindihan ko pa siya.

“Punta ka dito samahan mo ko, matatapos na ang 3rd quarter nasa right wing ako ng gym” *hungs up*

“sa—an?” nice talking Myka tsk, I have nothing to do naman kaya pupuntahan ko na lang siya atsaka gusto ko namang panuorin yung dalawang crushes ko maglaro, hihi opo crush ko po sila, may paghanga po ako sa kanila.

Catwalk ♦hiatus♦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon