Chapter 10 For real?

301 11 3
                                    

Chapter 10

~Ash's POV~

“An aga aga hindi na naman maipinta muka mo ah” pansin ni Lexi sa akin

“Oh MY! Don’t tell me it’s your Red flag day?” sabi ni Sophie habang lumalapit sa akin

“Red flag day ka dyan!” OA talaga si Sophie minsan “Si Myka kasi hiningan na nga ako ng favor tapos fail pa nakakaasar kasi… tapos…” hindi ko masabing naiilang ako kay Clyde baka issuehan pa ako nitong dalawa

“tapos ano?” – Lexi

“Wala basta nakakainis!” sabi ko na lang

Nasa 1st subject kami wala pala sila mam may emergency meeting daw, hindi man lang sinabi ng mas maaga para mamaya pa sana pasok namin >__<, sayang yung 1hr and 30mns din yun

“Bahala ka na nga, pero Ash alam mo bang may bagong bukas na Fashion Hub sa Tower Mall…” yan dinaldalan na ako ni Sophie about dun kaya nag-usap lang kami, si Lexi naman nagbabasa lang ng novel tsk hindi mo nay an makakausap kapag naka-on ang nerdy mode nyan

Nakikinig naman ako ng konti kay Sophie pero kalahati ng atensyon ko, iniisip yung mokong na yun. Nung Saturday pagkagaling ko sa CR nagpaalam ako na uuwi na lang ako at dalhin na lang muna niya pauwi yung notebook para ibalik sa akin ngayong Monday tutal classmates naman kami at dali-dali na akong umuwi. Yeah! Badtrip ako nun!

Tapos ngayon wala pa si Willson hanep alam ata nun na wala kaming 1st subject eh

*RIIIING*

“Come on, next subject na!” sabi ni Sophie tapos nagkusa na rin si Lexi

Pumunta na kami sa next room sa 302, subject FIL02, tamo nga naman marami na sa mga classmates namin ang nandun pati na rin si Willson (epic badtrip pa rin ako hindi lang sa kanya pati kay Myka)

Speaking of Myka nasa Japan pa rin siya hanggang ngayon successful daw ang operation (Thank God!) pero hindi pa nagigising Papa niya, hindi naman daw sa coma o ano, kailangan lang daw talaga ng katawan niya ang pahinga. At uuwi lang sina Myka pag maayos na ang kalagayan ng papa niya.

Umupo na kami sa upuan sa right side, hiwalay ang girls and boys sa FIL, at ang Willson infairness may mga barkada na rin sa room, ang mga boys-next-door namin si Adrian ang acting leader nila.

Dahil busy na ulit si Lexi sa pagbabasa at si Sophie sa pagdaldal ulit sa iba naming classmates, I decided na kunin ko na muna yung notebook mula sa kanya habang hindi pa nag-istart ang klase. Lalapit na sana ako kay Willson nang---

“Ui Ash anong kelangan mo?” tanong ni Adrian na lumapit sa akin

“Ah kausapin ko lang sana si Willson” sabi ko

O___O Nagulat naman siya pero umalis din siya sa daanan ko kaya diretso lang ako

“Yung notebook?” sabay lahad ko ng kamay ko sa kanya, nakita ko namang hinalungkat niya yung bag niya saka kinuha yung notebook at nilagay niya sa kamay ko

“thanks” mabait pa naman ako para magpasalamat hindi nga lang sincere hehe, tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad papunta sa upuan ko pero bago pa ako makalayo narinig kong may binulong si Adrian

“Clyde, close kayo ni Ash?” – Adrian

“HINDE!/No” sabay naming sabi pero yung akin pasigaw yung kanya pabulong, naku salamat talaga at maingay din ng konti dito sa room

Catwalk ♦hiatus♦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon