Chapter 5 part 1:Him?

400 10 0
                                    

happy 100 reads sa atin at dahil dito, here is a 2-part chapter 5

this is a very looong one, Clyde Willson at the side (Kim Soo Hyun) ===>>>

enjoy :D

Chapter 5

~ Ash’s POV ~

Time Check 6: 30am TUESDAY

Lesson learned hindi na ako iidlip pa at masyado akong excited for today, though I don’t know why

Bumangon na ako at naligo then bihis ng uniform, bumaba na ako for breakfast nakita kong nagluluto si Mommy ng egg, bacon and fried rice, ANG BANGO!

“Goodmorning Mom!” bati ko sa kanya “Where’s Dad?”

“Goodmorning din, nasa front lang siya nakuha ng daily newspaper niya” sagot ni mom with a smile “Come seat here have your breakfast”

“Mom before I forgot ito nga po pala yung invitation ng school sayo para sa Mr. and Ms. Ridge Academy, kinukuha ka nilang judge are you fine with that?” sabi ko kay Mom habang tinitingnan niya yung laman nung letter

“Well of course, ako na lang ang mag-iinform sa kanila” sabi ni Mom

“Okay” ^_^ ganda talaga ng gising ko, kasi naman sinama ako ni Dad kahapon sa studio niya dami kong nakitang celebrities yehy! Nakapag-papicture pa ako dun sa iba hehe

Dahil 7am na hinatid na ako ni Dad sa school, naka-pasok ako sa classroom around 7:15am

Sinalubong ako ni Sophie at biglang piningot ang tenga ko “AWWW..” – ako

Hinila niya ako papunta sa seat ko, ouch ha, “Spill it” sabi ni Lexis akin once makaupo ako

Alam ko na ang tinutukoy nitong dalwang to, yung nangyari kahapon. Kaya kinuwento ko sa kanila lahat-lahat at nung nasa may nakakahiyang part na ako---

“HAHAHAHAHAAH!” wagas makatawa itong dalawa parang wala ng bukas, nakahawak pa sa tyan nila at naluluha na rin

“HAHAHA That’s awful” – Sophie

“Walking disaster ka nga talaga Ash haha” – Lexi

Tsk… tsk… pano ko ba to naging bestfriends?

Dumating si Mam Alicante na ngiting ngiti. Anong merun? nakinig niya kaya yung kinuwento ko kayna Lexi at Sophie? >.< hindi naman siguro

“Goodmorning class and starting from today you will have a new classmate” sabi ni Mam

Nagchismisan naman yung mga classmates ko

“Sshh.. quiet down please, you may enter mister and kindly introduce yourself to us” tapos nag-gesture si mam dun sa pinto na pumunta sa unahan

(--////////--) pumunta lahat ng dugo ko sa mukha ng makita ko kung sino ang new classmate naming… si… si… SHADESMAN! Kaya tumungo agad ako yumuko baka mamukhaan ako nito mahirap na mapahiya

Kahit nakakahiya na nga!!!

“Clyde Willson, 17 from California” sabi niya tapos on-cue nag “WAAAH!” yung mga girl classmates ko including Sophie

“Quiet I BA  Comm!” suway ni Mam, yan kasi OA much, “so I think it would be unfair for your new classmate because the seating arrangement is by friends, let’s have it alphabetically arranged, A’s will have the back seats” shoot! AYOKO NG ALPHABETICALLY ARRANGEMENT lagi kasi akong nasa dulo o unahan! Duh it’s V for Valdez

Catwalk ♦hiatus♦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon