Chapter 1
~Ash's POV~
“hayyy… grabe ang tagal naman ni Chard”, kanina pa ako nandito sa harap ng mall nag-aantay sa magaling kong pinsan.
After 5 long minutes..
“Grabe Chard kanina pa ko dito oh halos lumabas na ang litid ko kakaintay sa iyo, alam mo ba 20 mins. Late ka na sa usapan natin, ay nako Richard pasalamat ka at kailangan kita ngayon kung hindi nako…”
“Ate naman sabi ko sayo maghintay ka muna sa bahay mo ng 10 mins. pa, para naman sakto lang ang dating mo at hindi ka naghintay alam mo namang traffic lagi dyan sa avenue eh”
“eh naku dala mo na ba ang mga gagamitin natin?”
“oks na oks na” tapos tumuro sya sa bagpack nya
“naku, tara na nga..”
Pumunta na kami ng magaling kong pinsan sa 2nd floor ng mall kung saan may gaganaping riot.. joke lang, may fashion show dito. Pero hindi ako kasali at mas lalong hindi ako judge haha. Ako ay isang dakilang audience! Bwahaha..
Wag ka ng magtaka kung bakit napaka-adik ko sa mga ganyang shows, simula’t sapul palang Fashionista na ako, mahilig ako magdamit ng mga simple pero nagiging maganda kapag sinamahan ko pa ng konting accessories, then DYARAN! Bonggacious outfit! Hilig ko talaga ang world of style since birth na ata, si mommy kase model yun eh, si dad naman photographer, Perfect match hindi ba?
And because of them, nabuo ako, the name is Natashia Mariz Valdez 17, Com Arts. Bigla ka ano? Akala mo Fine arts kinuha ko noh, aku rin eh nabigla haha wala kasing Fine arts sa Ridge Academy, kaya com arts na lang ako ARTS din naman eh.
Well back to where I am right now, magsisimula na ang show at nagwa-warm up na rin yung sound system, sa theater kasi ito ginaganap, luckily may nakita pa kaming 2 vacant seats sa may bandang gitna kaso nasa last line kame, ok n un kaysa naman nakatayo di ba?
“Tara dun tayo..” Sabi ko
Pagkaupo namin, pinaset-up ko na yung tripod at DSLR kay Chard, yep kay insan yang camera at stand, mayaman yan eh at matalino pa, sa Slade International School for Boys yan napasok, Filmatography ang course nan. At wag ka gwapo yan, madame na yang napaiyak na girls at… gays… haha.
Nag-dim na ang lights, tapos may nagsalita na lalaki
“Goodevening ladies and gentlemen, we are all gathered to witness the opening of Ms.Adelina collin’s own line of her best designed casuals, named “The Mayday Fair”, let’s all welcome these gorgeous ladies…”
Tumugtog na ang opening track at nagpa-effect pa ng smoke na sa stage, lumabas na ang mga models na nakasuot ng long gown. Sinalubong naman sila ng mga palakpakan at isa-isa na silang rumampa sa catwalk. Ang peg nito is mala shining, shimmering and splendid theme, 1st is yung line of long gown, infairness iba-iba yung designs nila unlike other shows na halos iisa lang yung pinapakita pero in different colors. Type ko nga yung isang gown duon eh yung backless na gold, Goddess-look kumbaga.
Yah! *drooling (yuck)
Next line is yung mga casual dresses, ito most favorite part ko kasi ang ku-cute ng mga damit, pwede kasing pang-party or tamang pang-gala lang. and yung dating nga pala nung mga dress sa akin depends na rin dun sa mga model kung magaling silang magdala. Ang tsaka naman tingnan kung nakabusangot yung model tapos yellow yung damit nya, know why? Yellow simply means happiness.
Nagtitingin ako ng mga damit na magaganda ng bigla akong kinuhit nitong katabi ko.
“Ate ash, di ba si Coleen yun?” turo nya dun sa babaeng nasa catwalk.
“aba, tingnan mo nga naman ang pagkakataon lagi talaga tong nakasunod sa akin kung saan ako pupunta, stalker ko siguro to ano?” sabi ko habang naka-pameywang pa.
Bigla naman tumawa tong pinsan kong baliw.
“oh bakit ka tumatawa?” tanong ko.
“kasi ate di ba ikaw yung audience dito tapos siya isa sa mga model so technically speaking ikaw yung sumunod sa kanya” paliwanag naman niya.
“oh, so? Basta lagi na lang siya nasa event kung nasan ako para tumingin ng designs, siya naman either model or judge ang role niya dun, hmmph basta siya yung sumusunod hindi ako!” sigaw ko sa kanya.
“sabi mo eh” sabi niya habang halata namang nagpipigil na siya sa pagtawa. Baliw lang?
Nakiki-palakpak naman kami kapag natatapos na ang isang line ng show, bawal sumigaw dito eh semi-formal gathering kasi. Kaya behave Ash! Don’t drool pati kadiri kasi haha.
Pagkatapos ng last line nagsalita na ang host, “To know who is behind the success of this spectacular evening let us all see the woman of the night, Ms. Adelina Collin!”
May smoke ulet tapos may umangat na figure ng tao dun sa hole sa stage. Bongga ng entrance, well kilala naman kasi talaga siya as one of the shareholders ng TSS, The Scent and Style, na dating The Scent lang, kasi they only focus on making perfumes but now trendy na kasi ang fashion kaya inextend nila ang company for renovations and changes.
“I wanna thank you all for coming here in the opening of my new line..” grabe ang ganda niya pwede na rin siyang model eh kaso may age na sya XD maybe she’s around 40 na.
“... and even though she’s not here to celebrate with us this became possible with of course the help of my lovely daughter Kate, who by the way recently passed her examination in US Harvard University” nag-woah at nagpalakpakan naman ang mga tao sa theater.
“We request for your future support In behalf of my family and crew thank you once again for coming and being a part of this unforgettable moment made” dagdag pa niya.
Nag-standing ovation ang lahat bilang pagtatapos ng show kasabay ng makikinig mong fireworks sa labas. And now you know my hobby :D
(a/n: feedbacks? Godbless if you started reading this) *this is my 1st story btw
BINABASA MO ANG
Catwalk ♦hiatus♦
Teen FictionWhat if 2 of the top teen HOT models in California transferred to your school? pero dahil sa isa kang walking disaster EPIC FAIL ang first meeting nyo! worse: kaklase mo ang isa sa kanila, worst: may malalaman ka pang hindi mo naman dapat malaman, k...