Chapter 6
Pagkatapos kung makipagtalo ‘ke Jensen di na rin ako nagsayang ng oras, umuwi na ko. Alangan namang tumayo pa ko doon ng buong magdamag. HALER?! Di kaya sya kawalan noh?! Papunta na sana ako sa Parking Lot para sumakay sa aking ‘Oh-so-brand-new-Porsche’ ng biglang may humarang na itim na van sa daanan ko.
“Hoy! Bastos ka ah! Ba’t nakaharang ka dyan sa daanan?! Binili mo ba ‘to?! Lumabas ka dyan! Harapin mo ko!” Kung akala nyo lang na matatakot ako, kasi hinarang ako. Di noh?! Di kasi ako natatakot at nagpapaniwala sa mga ganun.
Bigla namang bumukas yung itin na van. “Hoy! Di mo ba nakiki----“ Di ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla nilang takpan ang bibig ko. Anak ka ng tokneneng!! Ano naman ‘to?! Kidnapping? Di pa ko tapos mag-isip kung ano-anu, bigla naman nila akong sinakay sa loob ng van. Teka? San nila ako dadalhin?!
“HOY! SINO KAYO?! PAKAWALAN NYO KO!! KUNG GUSTO NYO NG PERA WAG AKO! WALA PA ANG NANAY KO, DI PA UMUUWI GALING SA KUNG SAAN! KAYA PAKAWALAN NYO NA KO. IBA NA LANG BIKTIMAHIN NYO!!” Sigaw ko pero parang wala silang naririnig. Bingi ba sila? Ba’t di nila ako naririnig? Nakamaskara kasi sila ng kung anu-ano kaya di ko makita pagmumukha nila. Shet lang ah -__- Mukha silang tanga. Sobra.
“Huyyy! Sino ba kayo?! Bakit nyo ko kinidnap? Huuyyy!” Tanong ko dun sa katabi ko na nakamaskara ng nakakatakot na itsura. Siguro panget din sila kaya nakamaskara sila. Kawawa naman.
“Tanga kaba? Meron bang nakidnap na sasabihin ang pangalan nila? Tss. Bobo -___-“ WOW. Umaala’Vice Ganda’ sya ah. Pero anung sinabi nya?! Bobo? Tinawag nya kong bobo?! Aba gyera na ‘to. Alam ko namang mahina ang IQ ko pero di ako pumapayag na magpatawag ng “Bobo” -____-+++
“Shet anung sabi mo? BOBO?! Hoy sinong bobo? Ako?! Tengene mo papa---Hmmpphh” Buset. Pinasukan nya ng panyo yung bunganga ko para manahimik ako? Tae sasakalin ko ‘to pagnakawala ako. Buset talaga. Ang hirap pa namang tanggalin nung pagkatali sa’kin. Sino ba nagtali nito?! Si Iron Man?
“Nandito na tayo.” Teka! O__O Parang kilala ko yung nagsalita ah. Parang si . . . Eugene.
Naramdaman ko na lang na inaalalayan ako ng isa sa kanila palabas dun sa van. Kahit nakatakip yung Mata at Bibig ko parang naaaninag ko na maliwanag doon sa lugar. Parang madaming ilaw. Nasaan ba kasi ako?!
“Oh nandito na pala kayo. Nasan sya?” Isang boses babae yung nagsalita. Siguro sya yung Boss nila.
“Eto nandito. Ang ingay talaga nya kahit kailan.” Weyt. Weyt. Weyt lang, boses ba ni Janine yun?
“Tss. Asa ka pang tatahimik yan. Matagal na syang ganyan.” At parang boses ni Jandie yun ah. Teka sila ba yung kumidnap sa’kin? Planado ba to? Arghhh!! Pagnalaman ko na planado ‘to kokotongan ko silang tatlo. +____+
“Good. Sige pakawalan nyo na.” Sabi nung babae. Tapos naramdaman ko na lang na parang kinakalas na yung tali sa kamay ko.
Unti-unti kong minulat yung mata ko. At sa pagdilat ko nakita ang mukha ng isa pang demonyo na nakangiti. Ano ‘to LOKOHAN?!
“Hi Xeira :D” Di pa’rin ako kumukurap. Totoo ba ‘to? Nandito na sya? For Real?!
“Hey *snap* Don’t you miss me? ^____^” Say niya. OMYG!!!!!!
“Abbyyyy Janeeeeeeeee” Tinakbo ko sya sabay yakap. How i miss her so much. ^__^
“Woah! I miss you too Xeira. How are you? Are you good?” Tanong nya sabay taas ng kilay. I really miss her. She’s Abby Jane Riggs. She’s been my other Bestfriend. Kaibigan ko sya sa Japan. Yung mga panahon na nababaliw na ko dahil sa nangyaring tragedy sa pamilya namin, bigla syang dumating tapos sinabi na, wag ko daw sarilihin ang problema ko kasi nakakasama daw yun sa health ng isang tao ang pagkimkim. She’s there when i’m down. Nung panahon na di ko makayanan dahil magkasunod na nawala sa buhay ko yung dalawang mahalagang tao para sa’kin. My Little Sis. And My Dad. Si Misaki at si Daddy. She had done so many things for me, and i’m very thankful that i have her by my side. I really really love her. Kung ano ang pagmamahal ko kina Janine,Eugene,Jandie. Mas higit yung kanya ng unti :).
BINABASA MO ANG
Maybe The One
Teen FictionLahat ng tao sa mundo may kaibigan. Kaibigan na handang tumulong sa'yo pag kailangan mo ng makakaramay. Pero minsan ang mahirap ang kaibigan ang syang nagiging kaaway, katuksuhan, at pinakworst ang syang pwedeng mangiwan. Pipiliin mo pa bang maging...