Prolouge

191 6 4
                                    

LOVE…. Is a four-letter word, a noun. Madaling i-spell, pwede mong baybayin habang nakapikit ka, naka-blindfold, nakasakay ng jeep, naka-upo sa toilet bowl, namamalantsa, naglalaba, naliligo, nagluluto.. etc. etc. But if you would look for its meaning in the dictionary… mapa-Meriam man o Webster’s ang gamit mo.. i-search mo pa sa Google o kaya’y itanong mo sa mga love experts o kay Doctor Love, iba-ibang meaning ang makukuha mo.. that’s the mysterious feeling that anyone on Earth can feel. Pati rin hayop, tinatamaan ng love. At kung hindi dahil sa love.. hindi dumadami ang sangkatauhan. Para sa akin, LOVE isn’t that fluttery feeling you get over a cute boy, a mushy movie scene or a perfect pair of shoes. LOVE is a feeling of courage that makes you go out of your way to act, to do something you love, to do what scares you for the sake of love. LOVE doesn’t make you weak in knees, it makes you stronger than you ever imagined. 

CRUSH… is kindda admiring someone not just on his or her physical features, but also in his or her deeds and actions. Yung feeling na na-iinspire ka lang bigla kapag nakikita mo yung taong yun tapos sumasaya ka kahit na badtrip masyado ang araw mo.. yung ganun! Sabi nila, nagsisimula raw yan sa mata, tapus nagiging bukambibig mo ang pangalan ng taong yun, pumapasok sa isip, tumutuloy sa puso at nagiging pag-ibig. Hindi naman siguro sa lahat ng pagkakataon nauuwi sa pag-ibig ang isang simpleng paghanga lang. It depends naman kung mahal nila ang isa’t isa. Yung mga status na ganun, TRUE LOVE ang tawag dun. 

------ 

                 (Ressie Michelle’s POV)

At nasagot ko na rin ang “Define Love” at “Define Crush” na to! Akala niyo ba na nag-speech ako? Hay naku! This slumbook has a lot of questions! Para itong exam sa Algebra ehh.. ang hirap sagutin!

Pero wala nga lang siyang formula. But they both have similarities.. they can cause me a lot of headaches! PSSH >___< buti nalang at lunch break ngayon.

“Hoy! Tapusin mo yang pagsagot mo sa dearest slumbook ko ha kung hindi.. ipapatapon kita sa Mount Everest! Mamamatay ka dun sa lamig.. kundi ipapakain kita sa piranha at magkakalasog-lasog yang sexy body mo.” Yan si friend ko.. si Honey Cristine Perez, ulirang-uliran at sobra-sobra ang kabaitan. Akalain mo nga naman may balak pa niya akong ipapatay para lang sa slumbook na iyan. Napaka-chuchu niya. Hmpp. 

“Hindi ako si “Hoy” nuh! May pangalan ako., ang ganda pa nga eh, Ressie Michelle Gimenez. Pasalamat ka nga at sinagutan ko pa ang slumbook mo. Sa katunayan nga friend, ang haba ng sagot ko.. it’s the best answer na siguro dito sa slumbook mo. Paano ko sasagutin tong “Who is your crush” dito? Wala akong crush ehh.. alangan naman mag-imbento pa ako ng pangalan dito!” pagtataray ko. Syempre naman, papatalo ba ako sa kanya. Well, hindi. Pero LOVE ko yang si Honey. 

“Uhmm… oo nga ano! Wala ka nga palang crush o baka meron pero tinatago mo lang sa akin. Share ka naman diyan.” Ok heto na naman siya, nang-aasar ulit. I hate this part right here. I hate it when she teases me of the things na wala naman talagang katuturan.

“Honey naman ehh.. this is not the perfect time for your pranks na nakaka-badtrip. I’m serious here, hello! Last time ko ngang nagka-crush, grade four pa ako.. at si Kenneth pa yung crush ko. Umabot pa nga yun ng three years eh.. grade 6 nag-end yung crushlife ko with him.” sagot ko. Straight to the point hindi CURVE TO THE LINE. Opposites! Gets?! XD

“Wow ha! Tagal pala ng duration ng puso mo kapag na-iinlove! Hahaha. Classmate pa natin ang crush mo noon, si Kenneth.. hanep mo te! Sayang at hindi pa tayo magkaklase nun. Na-witness ko sana kung gaano ka kapatay sa kanya. Ehh, bakit naman naputol yung story ninyong dalawa?” - Honey

“Kasi, nagka-nervous breakdown siya dahil sa break-up nila ng first ever major girlfriend niya. Natutulala nalang siya bigla-bigla at nakatitig lang sa kawalan. Minsan nga ginigising ko siya mula sa pagkakatulala niya, nag-wiwave ako ng kamay in front of his face. Naawa lang ako sa kanya at sa tingin ko naman he needs a friend kaya ayun.” - Ako

“Ohh.. super nakakakilig naman yung reason na yun Mich. Pinigilan ko nga sarili ko kasi muntikan nang tumulo ang tears ko from my eyes. Huwaww! I’m so impressed on your speech.” Tapus nag-clap si Honey sabay tawa ng bahagya. Ang babaw ng kaligayahan niya.

Kasing babaw lang ng sabaw. Tcch. 

[A/N: Is my prologue okay? Masyado bang maikli? At okay lang din ba na sinamahan ko ng konting alam n'yo na, conversation thinggy? Sabihin niyo lang pag hindi nyo nagustuhan ahh.. hindi ako magagalit. ^v^]

 

The First Time I Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon