Chapter 9.B

34 4 0
                                    

Alam n’yo ba, tapos na ang quiz bee namin! OO. Gusto n’yo ikwento ko na naman ang nangyari?

Wag nalang. Madidiscourage lang kayo sa akin.

Talo kasi ako, ay este KAMI ni Jamie ee.

Siya yung 3rd, ako yung 4th. Err. Tapos 1st at 2nd place ang madadala sa Regional Competition.

So dahil talo kami, hindi madrowing, kahit ni Leonardo da Vinci ang mga mukha namin.

“Okay lang yan mga hija. Siguro hindi lang talaga ito ang time para sa inyong dalawa. Hindi naman siguro magiging fair kung lahat tayo’y mananalo at pupunta ng Regional Contest hindi ba?” sabi ni Sir Valentin, Math teacher namin nung first year.

“Siguro nga Sir.” Sabi ko sabay smile. HAYSS! Ma-didisappoint ko na naman si Mama neto. :((

Bumalik na kami ni Jamie sa court with our gloomy faces.

Lumapit kami sa coach namin. ASA PA! Hindi nuh. Baka pagalitan kami netong si Ma’am. Epic fail kami.

“Kuya Ralph, nanalo ka ba?” – ako

“Hindi nga ako umabot sa Phase Two (pangalawang round ng quiz bee) eh!” – siya

“Ha?! Antalino mo nga kuya eh! Nagsisinungaling ka noh?” – kami ni Jamie

“Hindi! Promise”

UWAHHH! >^< Champion ang school namin sa Science & Math kasi madaming panalo lagi. Pero ngayon, andami naming talo. Ba’t ganun? Hindi na ba kami magiging champions ngayon? Baka kami ang maging dahilan neto. Patay kami kay Madam Principal. (_ _ lll)

“Guys! Kumusta?” – ate Sheen

“Ate. Talo kami ee. 3rd siya, 4th ako.” – ako

“Okay lang yan.” Pinat ni ate Sheen ang shoulders namin.

“Kayo ba ate, panalo?” – Jamie

“Oo, First ako tapos si Eunice yung second” – ate Sheen

“Wow naman ate! Congratsss!” – kami

Ngumiti si ate Sheen at nakipagkamay sa amin. Tapos, nag-emote na naman kami ni Jamie sa gilid ng isang wooden bench.

Tahimik na ang atmosphere..

Muntikan na nga kaming maiyak ee..

Ng biglang..

Ng biglang..

Ng biglang..

“Hello sa inyo” Expect the EXPECTED! Si Babu na naman. TT^TT

“Hi din Christian”. – Jamie

“Iniistorbo mo kami sa pag-eemote ehh! Siya nga pala, nanalo kayo?” – ako

“Oo. First ako at si Dylan naman ang second.” – siya

HUWAHH! Kahihiyan is running through my veins! Ba’t pa kasi ako natalo?

Ansarap tuloy maglupasay sa sahig!

Pero sige na nga lang, sabi nga sa cheer and yell ng school namin “We the Eklaboo Chuchu National High School Team, commiting ourselves to the true spirit of SPORTSMANSHIP..”, so tatanggapin ko ang pagkatalo ko. ^__^

“Wow! Buti pa kayo.” –ako

“Talo kayo?” – babu

“Oo eh! Badtrip.” – ako

The First Time I Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon