Extra Chapter [Must READ! Please.]

57 4 3
                                    

                 [Dylan’s POV]

*tititidit*

1 message received

From: John Rex +639….

    Kailan ko pa kaya mahahanap ang soulmate ko? Hay naku! Ba’t ba ako nag-iisip ng ganito? Dapat pag-aaral muna atupagin ko. Sige, group message lang.. reply sa may nais :)

Walang kabuluhang text galing sa isang matalinong kaibigan. Wow! Awkward naman.

Out of the blue ‘tong pare ko.

Mai-delete na nga.

Teka….

Ako rin kaya, kalian ko mahahanap ang soulmate ko? Ang magiging future wife ko? Ang makakasama at mamahalin ko hanggang sa pagtanda?

Hindi ako katulad nila, ng ibang lalaki na ang gusto lang sa babae ay yung may kissable lips, rosy cheecks, fair skin, long hair, hindi flatscreen, coca-cola body.. etc.

Hindi kaya ako manyak! TSSS. Yang mga taong ganyan, pagnanasa lang ang lumilitaw sa mga utak nila. Gets niyo??

Kung iniisip niyong wala na talagang natirang gentleman sa mundo dahil extinct na silang lahat noon pa man, wag kayong mag-alala, nandito pa ako.. marami pa naman kami ee. Nagtatago lang sa lugar kung saan ang mga kapwa naming gentleman ang may-alam! No girls allowed dun, hayaan niyong kami ang lumapit sa inyo. HAHAHA.. XD

Simple lang naman ang gusto ko sa isang babae..

Yung mapagmahal..

Yung may kakaibang personality na nakaka-turn on..

Yung mapag-alaga..

Yung mabait..

Yung matalino, kahit hindi maganda…

Yung maaalahanin..

Yung humble..

Yung mahal ang pamilya niya…

Yung marunong umintindi kahit magsungit ako..

At syempre,

Yung may takot sa Diyos. Yan ang pinaka-importante sa lahat.

At gusto ko, kapag makita ko na siya, masasabi ko sa sarili ko na “Mababaliw ako kapag nawala ka dahil tayo ang itinadhana ni Lord para sa isa’t isa”.

Pero, sa case ko kay Zhena.. alam kong hindi ko pa siya mahal, na crush ko lang talaga siya, na hindi pa siya ang “the one for me”. Gagawa at gagawa naman talaga siguro si Lord ng paraan para makita ko yung babaeng itinadhana Niya para sa’kin.

At kapag nangyari yun, hindi ko na siya pakakawalan pa dahil nag-iisa lang siya sa mundo. Hindi ko siya iiwan hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Nakahiga ako ngayon sa kama, nakatingin sa ilaw at nag-iisip ng mga weirdong bagay na alam ko namang hindi pa angkop na isipin ng isang nagbibinata pa lamang. Ang futuristic ko lang!

 -------

             [Ressie’s POV]

[N/P: Valentine by Jim Brickman]

If there were no words

No way to speak

I would still hear you

If there were no tears

No way to feel inside

I’d still feel for you

The First Time I Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon