Chapter 5

44 5 1
                                    

  [Ressie Michelle’s POV]

At sa wakas, natapos na ang quiz bee namin. Yehey! Makakahinga na talaga ako ng maluwag ngayon. Maraming nag-congratulate sa akin na taga-St. Threse at syempre mga classmates ko. Pati rin kay Jamie kasi nanalo siya. Buti nalang talaga at nag-aral ako ng husto dun sa mga reviewers kasi yun ang source ni Ma’am Fajardo ng mga katanungan. Yeheyy!! Horay for Ressie Michelle Gimenez!

Kung tinatanong nyo kung nanalo rin ba ako, mamaya ko nalang sasabihin para surprising and thrilling naman sa part ninyo mga readers. ^______^

Bumalik agad kami sa classroom pagkatapos ng quiz bee. Tumambay lang kami at nanood ng mga games na nilalaro ng mga iba naming school mates sa covered court. May isa din naman akong sinalihan na laro, kaso nga lang natalo kami eh.

Kasalukuyan akong nag-chicheer sa team ng mga sophomores ngayon dito sa loob ng silid-aralan kasama sina Honey, Cherry at Pannie. Naglalaro kasi sila ng Solve the Puzzle. Alam ko namang hindi nila ako maririnig mula sa labas pero cheer pa rin ako ng cheer. Sigaw pa rin ng sigaw. Talon pa rin ng talon. Parang baliw lang. ^___^

“Wohoooohhh! Go sophomores! Go sophomores! Go!” – Ako

“Kaya ninyo yan! Bilisan niyo ang takbo niyo!” – Honey

“Fallaine, bilisan mo. Nandiyan na ang mga seniors sa likod” – Pannie

“Huwahhhhhhhh” – Cherry

In the end, second place lang talaga ang mga pambato namin. Nakakainis naman kasi, tinalo pa kami ng mga freshmen. Nakakahiya yun diba? Sila (sophomores) pa nga yung mas matanda, sila pa yung naungasan ng mga bata. Pero okay lang naman, at least hindi kami yung fourth place. :))

Pagkatapos ng lahat ng games, syempre dismissal na namin. Hinintay ko muna ang sundo ko dun sa guard house kasi bigla nalang umulan ng malakas.

Wala pa rin ang sundo ko. Kaya napagpasyahan kong maglakad nalang kahit na umuulan. May dala naman akong payong eh, so no worries. At same address rin lang naman yung school namin at yung bahay namin.

Nagsimula na akong maglakad nang biglang may tumabi sa akin..

Si John, kaibigan ko siya since elementary and ahead ako ng one year sa kanya.

“Uyy, pasilong naman ako Mich.” sabi niya.

“Okay. Total malaki naman tong payong ko. Kasya tayong dalawa.” – Ako

“Salamat” – John

“Sinong kasama mong naglakad?” – Ako

“Mga kaklase ko, ayun sila” sabay turo niya dun sa likuran.

Ay, ang dami pala nilang naglalakad dun. Nakita ko si Nathan, school mate ko rin siya nung kindergarten. Si Dylan nandun din, at may dalawa pang lalaking hindi ko kilala. Tinitigan ko silang apat sa likod, para na silang mga basang sisiw. Kung higante sana tong payong ko, pinasilong ko na rin sila.

*cough cough*

“May inuubo ba? Sino?” tanong ko kay John.

Lumingon siya saglit sa likuran at tiningnan kung sino ang umuubo.

“Si Dylan” – John

“Hindi ba siya sanay na mabasa ng ulan?” – Ako

“Ewan. Baka. Pero healthy naman siya.” – John

Pinaalis ko si John Rex sa tabi ko kasi naawa ako kay Dylan. Nagalit si John at sinimangutan ako. Pssh. >__< Nilapitan ko ang mga kaibigan niya dun sa likod.

The First Time I Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon