My Mr. What If

20.5K 216 29
                                    

"Thank you!!!" Bumaba na ako nang stage, grabe nakakapagod mag perform...

...Ako nga pala si Keira, vocalist ng school band at ayun nga kakatapos lang namin mag perform... Intrams kasi namin ngayon.

"Woooohhh! We love you Keira" sigaw ng mga schoolmates ko... Haha, akala ko nga hindi nila magugustuhan, hindi kasi kami nag practice eh ^_^v

"Keira..."

Huh? Ay...

"Yuwan!" -ako

"Ang galing mo kanina ;)"

Nginitian ko nalang siya sabay yakap... aww, ang sweet talaga ng boyfriend ko, linapitan talaga agad ako :")

Siya si Yuwan, boyfriend ko... Actually bago palang kami eh, nag 1 month palang kami nung isang araw.

"Tara, punta tayo doon" sabi niya sabay hawak sa kamay ko...

Habang naglalakad kami sa hallway...

*Boogsshh*

O.O

"Yuwan!" -ako

...bigla nalang kasi humiwalay saakin si Yuwan at sinuntok si...

C-Cyan.

"Ano ba Pare! Kanina ka pa nakatingin sa girlfriend ko!!" -Yuwan

Tiningnan lang siya ni Cyan sabay smirk at punas sa dugo sa kaniyang labi.

"Yuwan, halika na..." -ako

"Sa susunod pare matuto kang lumugar ha?! Nakita mo nang kasama ang boyfriend eh." galit na sabi ni Yuwan kay Cyan

"Eh ako nga ang nauna diyan eh... tsk!" mahinang sabi ni Cyan pero tama lang para marinig namin

"G*go ka! Oo, ikaw nga ang nauna pero iniwan mo siya tapos ngayon gusto mo siyang balikan... P*** ka!!!" sigaw ni Yuwan habang susuntukin sana si Cyan pero pinigilan ko siya

"Yuwan... ako na..." sabay hawak sa kanya ng mahigpit

"Pero...-"

"Ako bahala :)" sabi ko sakanya

...unti-unti akong lumapit kay Cyan, tumayo naman siya nang biglang

*PAAAK!*

...sinampal ko siya nang pagkalakas-lakas

"Sh*t! Para saan yun Keira ha?!"

"Para saan?!" simula ko sabay smirk

"Para saan ba kamo?! Nagpapatawa ka ba Cyan!?

That slap is for that freaking time you left me without any reason!"

...oo, tama kayo guys, Ex-boyfriend ko si Cyan. We've been together for almost 2 years. And yung araw sana na magce-celebrate kami ng 2nd anniversary namin ay bigla nalang siyang nawala nang hindi manlang nagpapaalam.

Short Stories [Tagalog]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon