A/N: Happy New Year pooooo ^__^
---
Zachary's POVMag-aalasingko na ng hapon, nagsisiuwian narin ang ibang estudyante, pati narin yung mga nanuod ng program kanina at nagsisilabasan narin sa gym... Pero teka lang, ba't wala pa yung dalawa kong tropa na may topak sa ulo? Haha.
Matext nga...
0.o??
Sh*t naman this life oh.
Nasa kanila pala cellphone ko.
San ko namang lupalok hahanapin yung dala-
"Uy Pre! Anong nangyari? Ba't parang na tatae ka diyan?" Biglang sulpot ni Zac at Jake sa likod ko.
"G*go! Natatae mo mukha mo diyan!" Sabi ko sabay batok kay Jake.
"Kanina ko pa kayo hinahanap eh." Sabi ko.
"Cellphone ko?" Tanong ko, sabay abot ng kamay ko.
Pero imbis na sagutin ako ay nagtinginan lang yung dalawa at biglang tumawa na parang mga biik.
"Oh, ano na? Cellphone ko nga..." Naiirita kong tanong sabay kamot sa ulo.
"Ahhh, cellphone mo ba kamo?" Tanong ni Zac habang nakangiti.
Tumango ako.
Unti-unti siyang lumapit saakin at dahan-dahan na bumulong sa tenga ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi nila, at tila ba napako sa aking kinatatayuan. Kaya naman nakuha akong pagtawanan ng dalawa bago nila akong tapikin sa balikat at tuluyan na akong iniwan.
Kainis naman oh...
Nathalie's POV
Kanina pa ako pabalik-balik dito sa loob ng gym at tila ba di mapakali. Mabuti nalang at nagsilabasan na ang ibang estudyante, at kung hindi napagkamalan na siguro akong baliw rito.
"Anong gagawin ko??" Tanong ko sa sarili ko at napagdesisyonang umupo sa tabi.
Tiningnan ko yung hawak-hawak ko... Di ko alam, pero naghalo-halo ang nararamdaman ko. Kinikilig na kinakabahan na natutuwa...
Siguro, kailan ko lang pumunta ng banyo...
Ayy, baka nga najejebs lang ako. Hahaha.
Tatayo nasana ako ng may nakita akong tao sa may pinto...
Zachary's POV
Pagdating ko sa gym nakita ko kaagad si Nathalie. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya habang nakaupo siya sa gilid. Hindi ko namalayan, ngumingiti na pala ako.
Maya-maya ay aakma ng siyang tumayo ng nagtama ang aming mga tingin.Nanatili kaming ganon ng pinilit kong maglakad papalapit sa kanya. Ba't parang naging awkward bigla yung paglalakad ko??
Nathalie's POV
Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, pabilis ng pabilis yung tibok ng puso ko, hanggang sa tumapat siya sa harap ko at biglang ngumiti.
"Ahhh... Ano, uhmm. Hi." Nahihiya niyang bati. Napatawa naman ako ng mahina.