Just a Friend

7.9K 71 8
                                    

Akala ko noon exaggerated lang ang mga tao sa tuwing sinasabi nilang masakit at mahirap ma-friendzone... pero nagkamali ako, totoo pala yun... In fact, sobrang sakit, yun tipong akala mong guguho na ang mundo mo. I guess people are right, in order for you to understand certain stuffs, you have to experince them. Experience nga is the best teacher....

I kept all my feeling to myself. Hindi naman importanteng malaman niya eh. I'm sure he doesn't feel the same way for me. I've been with him as long s I can remember... bata palang kami, magkasama na kami... he was my childhood freind, my very best friend. Kilalang-kilala na namin ang isa't-isa. I thought I treated him like my own brother, but when I reached maturity, I felt something for him that I never felt before... at yun nga, mahal ko na pala siya. Common na ang ganitong set up. Isang girl at boy na mag best friend, and then one of them will fall in love with the other... unlucky for me, ako ang nahulog. Ang saya sana kung mutual ang feelings namin eh. Pero ewan ko ba kung ano ang naging kasalanan ko kay kupido at ako lang ang pinana.

Ang mas masakit pa ay dahil nga best friend ko siya, kailangan ko siyang suportahan sa kanyang love life. He's happy, while I'm all broken, watching him smile at another girl. Pagminsan nga ako pa ang gumagawa ng paraan upang magkalapit sila ng crush niya. I've done that for like a thousand times... and just like that, my heart was torn to bits a thousand times as well. Pinipilit ko nalang maging masaya... ang importante lang naman saakin ay maging masaya rin siya. Kaya lang not everything goes the way we planned it. Pagminsan umuuwi ding sawi sa pag-ibig itong si best friend, katulad ngayon...

"Bigyan mo naman ako ng isang pang pagkakataon Angel oh..." Pagmamakawa niya sa Ex niya. Yeah... his begging his ex-girlfriend to give him a second chance... well, di niya naman kasalanan, it's just that this girl, Angel, got back together with her past relationship before my best friend, RJ.

"Ano ba RJ?! Ayoko na nga sabi eh. Ba't ba ang kulit mo? Kami na ulit ni Carlo, kaya if you excuse me, pupuntahan ko na siya..." 

"...akala ko ba mahal mo ako..."

Tumawa ng malakas si Angel... "Akala mo lang yun... Isn't it obvious RJ?! I just used you para pagselosin si Carlo... and effective nga plano ko. Thanks pala. Without you, we won't be getting back together..." She said before leaving.

Nakakainis talaga ang babaeng yun. Ginamit lang pala si RJ. Muntik ko na siyang sugurin kanina eh, kaya lang sino ba naman ako para makialam. Tsaka, ang tigas rin naman kasi ng ulo nitong si Rj eh. Pinagsabihan ko na siya noon na I don't like Angel for him. Pero nakinig ba? Hindi! Oh, tingnan mo ngayon ang nangyari sakanya.

"Angel!" Sigaw ni RJ. Aba, hahabulin pa talaga yung babaeng yun... Tatakbo na sana siya papunta kay Angel kaya lang pinigilan ko na siya. Hinila ko siya...

"Tama na RJ... Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? Ginamit ka lang niya. Kaya kung ako sayo itigil mo na yang paghahabol mo sakanya. Ginagawa mo lang tanga ang sarili mo, pilit ka na nga pinalalayo, heto ka parin, habol ng habol..." Advice ko sakanya.

"Hindi mo naman kasi naiintindihan eh. Mahal ko si Angel... kaya pwede ba hayaan mo nalang ako." Sagot niya saakin, habang pinipigilan niya maluha.

"Eh sa ayoko. Best friend kita RJ... kaya ayokong nakikita kang ganito... nasasaktan. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo..."

"Eh ano naman sayo?! Buhay ko 'to kaya huwag kang makialam!" Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw, sa dinami ng pinagsamahan namin, ito ang unang beses na pinagtaasan niya ako ng boses. Hindi ko namalayan unti-unti ng bumabagsak nag mga luha sa mukha ko.

Mukhang nagulat rin siya sa ginawa niya at mukhang nakonsensya siya ng makita niyang umiiyak na ako. He was about to hold me when I stepped back.

"Siguro tama ka...


Wala akong karapatan makialam, buhay mo nga yan diba...


Tsaka Best friend mo lang naman ako diba? Best frined na simula pagkabata dinadamayan ka sa bawat malulungkot at masasaya mong karanasan. Ako yung palaging nagtatanggol sa'yo sa tuwing napapasok ka sa away. Pinagtatakpan kita sa tuwing may kasalan at kalokohan kang ginagawa.

...I'm just your friend... a friend who never left you when the rest of them wanted to.

...kaya I have no right to mess with your life, right?" I said as tears started streaming down my face. He just looked at me. I know he felt sorry, but wala na siyang magagawa, sobra akong nasaktan eh. Wala siyang karapatan na sabihan akong wala akong pakiaalam sakanya kasi sa simula palang I already cared so much about him.

Magsasalita palang sana siya kaya inunahan ko na siya..

"...Pero RJ... huwag mong sabihin na hindi ko naiintindihan ang nararamdaman mo... Kasi naiintindihan ko! I understand your situation to the point that it hurts me more than it hurts you. Masyado ka lang manhid para di makita..."

Mukhang naguluhan siya sa sinabi ko.

I took a deep breath before I decided to tell him the truth. Siguro ito na ang tamang panahon para malaman niya. 

"Mahal kita RJ..." I whispered, pero alam kong narinig niya.

"Pa-"

"Mahal kita to the point na I was willing to end up broken just to see you happy. Sinusuportahan kita sa love life mo, kahit sobra akong nasasaktan. Tinatanong ko nga pagminsan sarili ko; ba't di nalang ako? Ako naman yung palaging nandito para sayo eh. Ano bang dapat kong gawin para mapansin mo ako? Ewan ko nga eh. Siguro, tanga rin ako para umibig sa taong alam ko naman di ako kayang mahalin. Pero ano bang magagawa ko, di ko naman kayang turuan ang puso kong mag move on nalang bigla at magmahal ng iba. Kahit anong gawin ko, ikaw parin hinahanap-hanap nito eh." Sabi ko sabay turo sa puso ko.

"...kaya huwag mo akong sabihan na 'di ko alam ang nararamdaman mo kasi mas masakit ang pinagdadaanan ko kumpara sayo. Kung nasasaktan ka mas nasasaktan ako. HIndi mo alam kung gaano kasakit na ako mismo ang gumagawa ng paraan upang magkatuluyan kayo ng mga crush mo. Di mo naiintindihan kung paano umibig ng palihim ng ilang taon. Di mo naiintindihan kung gaano kahirap magmahal ng isang tao na kaibigan lang ang turing sayo..."

"Sorry Ashley... di ko alam..."

I just smiled a weak smile, saka ako nag desisyong umalis...

The moment I turned my back on him... "What do I expect? To you, I'm just a friend..."


-end-


Short Stories [Tagalog]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon