Bituin

3.5K 39 8
                                    

Ewan ko ba kung bakit sa bawat oras na masilayan ko ang iyong mga mukha ay labis na tuwa ang aking nadarama. Sa tuwing maririnig ang iyong mga tinig ay kay bilis ng kabog ng aking dibdib. Sa iyong mga ngiti ako'y natutunaw. At ng mahawakan ang iyong kamay tila ba ako'y nasa mga ulap.

Kapag nalulumbay ay napapasaya mo ako sa tuwing ako'y iyong kinakantahan. Hindi ko mapagkakaila na napakaganda ng iyong boses, tila ba'y isang anghel sa langit.

Sa tuwing may problema ay lagi mong pinapalakas ang aking loob, kaya kahit napakahirap ay ginagawa ko ang lahat... Para sa'yo at dahil din sa'yo.

Ikaw na, ikaw na talaga. Kaya ako nahulog saiyo eh.... At kung bakit mas lalong nahuhulog ang loob ko sa'yo. Di ka lang gwapo, napakabuti din ng loob mo.

Kaya mahal na mahal kita eh. Alam kong alam mo yun. Sabi mo nga mahal mo din ako...

Kaya lang...

















Hindi lang ako....










Mahal mo ako....









Mahal mo din sila.... Mahal mo kami... Kami na iyong mga TAGAHANGA.

Oo, isa lang ako sa bilyon-bilyon mong tagasuporta.

Hindi lang ako ang kinakantahan mo, pati rin sila.

Hindi lang ako ang pinapasaya mo, pati rin sila.

Hindi lang ako ang pinapalakas mo ang loob, pati rin sila.

Ang "Mahal kita" sinasabi mo lahat saamin diba? Mahal mo kami bilang iyong mga tagasuporta.

Madami kami.... Pero ikaw, nagiisa ka lang sa mga puso namin.

Saaking mga mata ikaw ang araw, ang buwan.... Pero ako?










Ako'y di hamak lamang na isang bituin sa bilyon-bilyong mong nakikita sa langit....

Ano nga banaman ako saiyo diba?

Kung ako man ay mawala di mo rin naman mamamalayan.

Sino ba ako, kumpara sa isang tulad mo?

...pero huwag kang mangamba. Dahil, itong bituin na ito ay lagi lang nandiyan para sayo, di mo man makita sa pagsikat ng araw, pero nandiyan parin ako. Lagi mo yang tatandaan ha?

Nagmamahal,
Iyong munting bituin.

----
A/N: Wala po talaga akong balak mag post ng update ngayon kaya lang feel kong magdrama. Masyado akong emotional ngayon. Haha, pagpasensyahan ang #TeamBahay niyong author. T_T Sino bang nakakarelate diyan???? Mga kapwa EXO-L, meron ba??? Haha. Tara! Usap tayo! XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short Stories [Tagalog]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon