Prank

3.6K 76 17
                                    

Tawa kami ng tawa ng mga kaibigan ko habang nakaharap sa computer screen at nanunuod sa YouTube ng mga lyric prank. Halos gumulong na ako sa sahig kakatawa sa mga taong walang malay na nabibiktima.

...nung nagsiuwian na sila ay pumasok na ako sa aking kwarto at humiga sa kama. Mag-aalas nuebe na ng gabi pero di parin ako inaantok. Tinitigan ko lang ang kisame sa kwarto na may mga nakadikit na glow in the dark na stars at naghintay na tamaan ng antok, pero maya-maya'y narinig kong tumunog ang cellphone ko. Inabot ko ito at biglang napangiti ng mabasa ko ang pangalan...

Jared: gud evening Kath :)

...simpleng text lang yun pero labis na ang bilis ng tibok ng puso ko.

Matagal na kasi akong may gusto kay Jared eh, pero kaibigan lang ang turi niya saakin...

Kath: gud evening din sayo Jared :)

...naghintay ako ng reply niya ng biglang may pumasok sa isip ko.

"Ano kaya kung-" napangiti ako. Naalala ko kasi yung mga napanuod namin kanina sa YouTube. At dahil nga sa wala akong magawa ay dali-dali akong nag-isip ng kanta, at nagsimulang mag type.

Kath: ahhh. Jared?

Pagsisimula ko... At wala pang limang segundo ay nagreply kaagad siya.

Jared: bkit Kath?

Kath: ...akala ko may ibig sabihin...

Sinimulan ko na ang aking prank. Ginamit ko ang kanta ni Yeng na Paasa (T.A.N.G.A)

Jared: ha? Ang alin ba?

Medyo napangiti ako.

"Sorry Jared ha? Pagtitripan muna kita ngayon." Sabi ko, na tila ba naririnig niya ako.

Kath: ...ang paglike mo sa status ko sa FB.

Jared: alin? Yung kanina ba? Yun ba yun?

Kath: Nagrereply karin sa Twitter...

Jared: ayaw mo bang mareply ako? :(

Kath: ...akala ko, ayon na.

Jared: ha??? Kath, okay ka lang ba? Baka antok lang yan... Matulog ka na kaya. :(

Napatawa ako ng mahina sa text niya. Haynako Jared. Hindi naman ako inaantok eh, siyempre ikaw katext ko eh.

Kath: ...di pa ako antok!

Pansamantala kong siningitan ang lyrics para di niya mahalata, pero agad ko namang pinagpatuloy ang prank na ginagawa ko.

Kath: ...pero nakita ko kahapon...

Short Stories [Tagalog]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon