Bluetooth Device

4.1K 69 16
                                    

Nathalie's POV

"Ipasa mo saakin yung mga selfie ko diyan sa cellphone mo ha..." sabi ko sa kaibigan kong si Laira.

"Hay salamat at naisip mo yan."

"Ha?"

"Kasi naman Nathalie... may sarili ka namang cellphone tapos dito ka pa sa cp ko nag se-selfie. 'Yan tuloy na puno na ang storage ng cp ko. Balak ko na sanang idelete eh, kaya lang baka magalit ka." Sabi niya sabay.

"Buti alam mo." Sabi ko habang natatawa.

Pano ba naman kasi, mas feel kong magselfie sa cellphone niya, feeling ko kasi mas maganda ako dun eh. Lol.

"Oh, tingan mo halos 30 photos to... puro mukha mo."

"Kaya nga selfie ang tawag diba... self, meaning sarili mo. Tsaka anong gusto mo picturan ko? Paa ko?" Sabi ko sakanya.

"Tsk. 'Di ka ba nagsasawa sa mukha mo? Alam kong maganda ka Nathalie, pero di mo naman kailangan ipamukha saakin. Pag nagba-browse ako sa gallery ko puro mukha mo nakikita ko. Halos mamemorize ko na nga bawat features mo eh."

"Haha. Baka kasi ma-miss mo ako eh. Hayaan mo na... love mo naman ako diba best friend?"

"Oo na oo na! Oh, teka, ano ba ang device name mo ng mapasa ko na." Tanong niya saakin. Nandito kasi kami sa room, tumatambay habang wala pa yung professor.

"'Pag may nakita kang 'di mo naintindihan, akin 'yun. Yung korean na mga characters." Sabi ko sakanya. Haha, ang device name ko kasi naka sulat sa Korean Letters. K-popper ako eh.
└(^o^)┘

Inon ko na yung cellphone ko para mapasa na yung mga pictures. At habang hinihintay, sumilip ako sa bintana kung saan kita-kita yung kabilang room.

*^O^*

Ang gwapo talaga ng crush ko. Haha.

Pano ba naman kasi, mula dito sa room namin kitang-kita ko si Zachary... transferee siya eh, kaya siguro 'di niya ako kilala.  ̄ε  ̄
And too bad, 'di ko rin siya classmate, pero okay nalang din yun, kasi I'm sure magmumukha akong tanga everytime na kakausapin niya ako.

Short Stories [Tagalog]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon