Sabi sa isang quote "You'll never know the true value of something unless it's gone." Find out how much we need to value things that we have.
Enjoy and Learn ^__^v
PROLOGUE
Si Anne Praise ay isang simpleng dalaga at matalino. Pero sa buhay hindi lahat ay ibibigay sa atin ng Panginoon.
-------------------------------------------------------
Ako si Anne Praise, simpleng babae lang ako. Masasabi ko na may kahirapan ang buhay namin. Iniwan kami ni Papa para sa pera. Naiwan kami ni Mama na dilat, kumakayod para mabuhay kaya ako nagsumikap ng ganito, para maiahon siya sa buhay. Malapit na ang araw ng aming pagtatapos masaya ko dahil magtatapos na ako sa highschool.
"Praise! Pinapatawag ka sa office." Sabi ng kaklase ko.
"Sige susunod na ko."
(Sa office)
"Praise maupo ka." Sabi sakin ng principal namin pagpasok ko.
"May nagawa po ba akong di maganda ma'am?" Kabadong tanong ko.
Ngumiti naman siya sakin..
"No Praise. Wala kang nagawang masama. Actually you've done a good job."
"Po?"Ako yan. Kabado padin.
"Didiretsohin na kita Praise.. Ikaw ang this year's valedictorian. Congratulations! :)"
"Ta--TALAGA PO?!" Parang ayaw magsink-in sa utak ko..
"Oo. Kaya eto ang dalawang imbitasyon mo. Isa sayo at isa sa parents mo. Mas ahead ang pagbibigay sa mga honorable mentions."
"Ma'am... Salamat po. Thank you Lord!"
"Oh siya sige na. Humayo ka at mag-iingat ka ha."
"Opo. Salamat po."
Akala ko malakas na ako.. Akala ko matatag na ang paniniwala ko sa Kanya. Akala ko sapat na yung mga ginawa ko.. Pero nagkulang pa din pala ko...
Pag-uwi ko sa bahay tinago ko yung invitation. Sa totoo lang nagdadalawang isip kasi ako kung sasabihin ko kay nanay. Nahihiya kasi ako tindera kasi siya sa palengke baka pagtawanan siya. Samantalang yung magulang ng mga kaklase ko mga pawang propesyonal.
"Anak! Kakain na tayo. Bumaba ka na diyan." tawag ni inay
"Opo nandyan na po."
Tahimik lang kami kumain ni nanay.
"Oh anak ako na magliligpit nito ah. Mag-aral ka na."
"Sige po inay."
Dumating ang araw ng aking pagtatapos. Nakalulungkot na walang aakyat para sa akin. Nagsisisi ako na hindi ko sinabi sa inay..
*Pagkatapos ng graduation. Gabi na ko nakauwi dahil may konting salu-salo sa school. Habang naglalakad ako pauwi, natanaw ko na sobrang liwanag sa bahay namin, ang daming tao, may mga kubol.. Napaiyak na lang ako ng marealize kong may patay at yun ang inay*
"Nay!!! Anong nangyari sayoooo!! Bakit ka po nandyan?!" Hagulgol ko
"Anne.. kumalma ka, nasagasaan ang inay mo pagkagaling sa mall at nagmamadaling pumunta sa graduation mo.."
"Tita.. kasalanan ko to. Sana sinulit ko yung panahong buhay ang nanay.. para sa kanya tong lahat para maging maginhawa kami. Sana hinayaan ko syang pumunta sa araw ng aking pagtatapos at sabitan ako ng medalya.. kaya lang huli na ang lahat."
"Anne, wala kang kasalanan. Inayos na namin ang lahat at wag ka mag-alala tutulungan ka namin."
*Pagkatapos ng libing. Hinaya ako ng tita na sumama sa kanya sa Maynila at dun na mag-aral sa kolehiyo. Habang nag-aayos ako ng gamit ko at namin ng inay, may nahulog na papel mula sa kanyang damitan.*
"Anak, patawarin mo ko sa lahat ng pagkukulang ko sayo. Siguro nga'y nagkulang ako sa inyo ng tatay mo kaya nya tayo iniwan. Pero gusto kong malaman na ginawa ko ang lahat. Wala akong ibang inisip kundi ang kapakanan mo. Gusto kong bigyan ka ng buong pamilya pero di ko nagawa. Ang nagawa ko lang ay mapagtapos ka ng highschool at proud ako dahil yun man lang ay nagawa ko. Nakita ko kanina yung imbitasyon sakin ng paaralan nyo. Sabik na sabik akong sumulat ng liham at tatakbo sa mall para bilhan ka ng regalo, pagkatapos pupuntahan kita. Nais kong i-treat ka sa labas para naman mapasaya kita. Pasensya na kung nakakahiya ako dahil tindera lang ako siguro nakalimutan mo lang ibigay yung imbitasyon. Mahal na mahal kita anak ko,Anne."
Nagmamahal, Inay
"Anne, nakahanda ka na ba?" sabi ng tita
"O-opo"
Kinuha ko na lahat ng gamit ko pati ang sulat ng inay. Tahimik lang ako sa sasakyan. Nang nakatapat na kami sa simbahan..
"Tita pwede po bang dumaan po muna ko sa simbahan?"
"Aba'y oo naman. Hintayin ka na lang namin dito."
Nang makaupo na ako..
"Lord, patawarin mo po ako. Hindi ko nagawang pangalagaan ang inay na pinakamahalagang regalo at blessing mo sakin. Sobrang sakit po pala. Sobrang nadurog yung puso ko. Sobra yung pagsisisi. Ang dami kong sana. Pero wala eh, hindi ko na maibabalik ang lahat. Hindi naman nakakahiya ang inay dahil isang marangal na trabaho ang meron sya at yun ang nagpakain at nakapagpatapos sa akin. Sana nilawakan ko ang pag-iisip ko. Ako lang naman talaga yung may problema. Ako ang mas nakakahiya... Pangako aayusin ko na po ang mga susunod na magiging desisyon ko. Sana po ay patuloy nyo kong gabayan sa landas na susunod kong tatahakin. Mahal na mahal po Kita."
"Nais kong sabihin na wag kayong magsayang ng oras. Walang pagsisisi na nasa una kasi kung nasa una yun, wala na tayong matututunan. Mahalin natin ang mga magulang natin. Kahit ano pa ang estado ng ating buhay. Wag tayong makakalimot humingi ng tawad at magpasalamat sa Panginoon. Ang Kaibigan, Guro, Pera, Trabaho at iba pa marami nyan. Mapipili mo yan pero ang magulang mo, hindi. Pahalagahan mo lahat ng meron ka at bilangin mo ito dahil lahat yan blessings mo." -Anne Praise-
Wag mong bilangin yung mga bagay na wala sayo at wag iyon ang pahalagahan mo kasi kung ganun lang ang gagawin mo, sa huli ikaw din ang talo. Yun lamang po. God Bless!!! :)
The End
BINABASA MO ANG
Love and Beyond
Cerita PendekTogether let's discover different faces of love and what we can do beyond. Meet different people, stories and lessons. (。◕‿◕。) Copyright © 2017 by just_juliane ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form o...