Natutuwa ako dahil sa ikli ng panahon noong una mo ako nakilala ay ganoon agad ang naramdaman mu, "love at first sight". Hindi mo pa nga alam kong ano ang pangalan ko at ganoon din ako. Nang matapos ang dalawa araw noong una ako nag-umpisa sa trabaho ay kinuha muna agad ang number ko sa kanya. At tinext muna agad.
Lunes yata, hindi ko maalala kung kailan mo kami nilibre ng ice cream sa Family Mart at inihatid sa sakayan ng LRT. Pinaalala ko yan sa'yo isang beses db? Kasi hindi ko akalain sa araw na rin yun ay pinayagan yata kita manligaw nun. HAHAHAHA.
I never expected to turn out this way. Minadali ko lang ba ang pagsagot sa'yo? Dahil gusto ko lang pumasok sa isang relasyon? Ewan ko ba.