Paano ko ba sisimulan?
Dapat magkikita tayo ngayon kaso hindi natuloy. Mababaw lang naman yung dahilan eh. Pinapapunta kita dito sa amin pero ang sabi mo nagmamadali ka. Mas mabuting bumalik ka agad imbes na makipagkita ka sa akin. Hahanapin ka niya agad dahil may lakad kayo.
Kahit excited akong makita ka, sinabi ko na lang na "huwag na, sa huwebes na lang dahil nagmamadali ka". Ayaw ko maging dahilan ng pagkaantala ng mga gawain mo at baka mapagalitan ka pa.
Sorry dahil tinanggihan kita. Pakiramdam ko na parang second option na lang ako. Pupunta ka kung kailan mo gusto. Pumunta ka nga pero nagmamadali ka naman.
Mas mabuting manahimik na lang ako kesa magsalita ng walang kwenta. Ayaw ko na dagdagan pa yung problema mo. Ako na lang siguro ang iiwas sa'yo. Kahit naghihintay ako ng tawag mo kaso hindi na naulit nung hindi ko nasagot.
Wala ka rin text sa akin kung nasaan ka na. Hindi ko alam kung kumain ka na o kahit na anu. Tss. Hirap talaga mag.expect mula sa'yo. Akala ko gagawa ka ng ibang paraan pero wala naman eh.
Mahal kita kaso nahihirapan na ako. Susuko na ba ako? Hindi ko alam. Maghahabol ba ako? Hindi. Aaasa ba ako sa text o tawag o kahit message sa messenger? Siguro. Yun lang ang magagawa ko eh.
Magpaasa. Dun ka magaling eh.
Hindi naman kasi iniiyakan yun ganitong bagay kahit mababaw pa na rason yan, I'm too emotional for that.