Ginulat mo ako nung nagtext ka sa akin na malapit ka na sa amin para sabihin sa akin na pupunta tayo ng Divisoria. I like that surprise but ..
Saglit lang tayo kasi may lakad pa kayo pagkatapos nun. Pumunta ka lang kasi dun para bumili ng mga prutas.
It didn't turn out so well kasi nag-away pa tayo dahil lang sa makikitulog ako kina Ate Sarah at Ate Carmen pero hindi naman din natuloy yun.
Alam kong ayaw mo sa kanila dahil sa mga sinasabi nila sa'yo pero bakit mo sila papakinggan db? Nangyari na ito dati dahil mas pinaniwalaan ko sila kesa sa'yo. Hindi mo naman kasi pinaliwanag ang sarili mo sa akin. Hindi ko makuha ang mga punto na nais mong iparating. Puro inis lang ang nararamdaman mo.
Kung kilala mo talaga ang sarili mo, kaya mong ipagtanggol sa kanila yun. Gusto ko na may kumpyansa ka sa sarili mo dahil naniniwala ako sa'yo.
Kasalanan ko na dati ang hindi ka paniwalaan pero iba na ngayon. Wala na ako sa pinagtatrabahuhan natin. Ikaw na lang ang naiwan kaya sana intindihin mo sila. Huwag mo silang pakinggan dahil opinyon lang naman nila yun eh.
Masakit para sa akin na husgahan ka nila dahil mga kaibigan ko rin sila. Pero huwag mo akong pagbawalan sa gusto, isang beses ko na lang sila makakasama kaya mas mabuting sulitin ko na lang ang pagkikita naming tatlo.
Mahal kita at alam na alam mo yun. Ginagawa mu lang ito para protektahan ako sa kanila db? Salamat :)